CHAPTER 11: VALENTINES GIFT

757 36 3
                                    

LUIS POV:

Dumaan ang ilang araw at sumapit na ang pinaka-ayaw kong gunitain. At ito ay Valentines Day. Lahat ay may nakikitang hugis puso pero sa totoo lang ang hugis ng puso ng tao ay oval shape. Marami ding makikitang kulay pula na sumisimbolo ng pagmamahalan ng isa't isa. Pero sa akin, ang simbolo ng pula sa akin ay dugo, patayan, o sa madaling salita karahasan. Tinawag itong valentines dahil daw sa isang santo, ewan ko kung bakit naging araw ito ng pagmamahalan. Eh sa totoo lang maghihiwalay naman sila. Yes tama ang nabasa mo, maghihiwalay yan sila. Sasabihin nila may Forever, saan ba ako nakahanap na taong buhay pa forever ah? Hindi naman sa pagka-bitter ang ugali ko but sinasabi ko lang ang totoo, Ika ng ilan 'Honesty is the best policy'. Kahit sa kasal maghihiwalay din yan. Sinasabi nga nila, Till death do us part or sa tagalog, kamatayan lang ang maghihiwalay sa atin. O kitam, maghihiwalay pa rin sila dahil sa pagkuha ng buhay nila. Salamat kay kamatayan nawala ang forever haha. But sabi ng ilan masarap daw magmahal. O sige nga, wag silang kakain, kainin nila ang pagmamahal nila, masarap daw eh. Pero at the end of the day marerealize nila, wag ka munang magmahal ng iba kung hindi mo naman mahal ang sarili at pamilya mo.

Bumaba na ako sa hagdanan ng aming bahay. Hindi sa pagmamayabang ay nasa third floor bahay namin, na may sukat na isang hektarya. Yes isang hektarya, kasama na ang garden namin, garage and any else. Meron din kaming limang hektarya sa probinsya, na pinapasaka namin sa mga mahihirap na pamilya.

"Happy Valentines Day" una kong rinig sa kasambahay pagkatapos kong bumaba ng hagdanan.

"Please don't say Happy, replace that, Sad"

"Sad Valentines Day"

"Very good, Veronica" si Veronica ang matandang yaya namin. FYI meron kaming limang yaya dito sa bahay kahit dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang bunso, kaya nasa akin ang lahat ng atensyon ni Mommy at Daddy na nasa States para sa forum meeeting, sa San Francisco ata sila ngayon.

"Nakahanda na po ang breakfast niyo sa table"

"Okay, maari ka ng umalis" I said.

Sana wala akong marinig mamaya na ganun sa school. Naiirita ako pag naririnig ko ang mga masasaya nilang bati.

Ang impact kasi sa akin yon, kapag ngumiti sila sa akin parang kinakalibutan ako. Mas okay pa yong nakatingin sa akin ng masama para maramdaman ko ang pressure sa loob ko, at naiilabas ko ang aking hinanaing.

"Oh! Nice Timing" saad ni Kuya. 25 na siya, ang tanda niya na pero wala pa ring girlfriend. Torpe kasi eh.

"Umimik ka naman Luis" nakakawalang gana yung pagmumukha niya. Sa school na nga lang ako kakain ng breakfast. Umakyat na lang ako papuntang kwarto kaysa makipag-usap sa kanya.

"Oh! Saan ka pupunta?"

"None of your bussiness, okay?" sabay walk out sa hapag kainan. Magkalayo ang loob ko sa kanya. Mas close ko pa nga ang yaya dito sa bahay kaysa sa kanya. Lagi siyang nasa NBI ( National Bereau of Investigation ) ang trabaho niya doon ay Survillance Agent Officer. Siya ang parang nanghuhuli ng most wanted sa pinas, lalo na yung may mabibigat na kaso like, murder, massacre and etc.

"Anong nangyari Luis?" tanong sa akin ni Veronica.

"Tanong mo sa walang kwentang kuya ko" inis kong saad.

Agad akong umakyat sa kwarto para makapaghanda na. Pero dahil sa kuya ko ay pinangarap kong mag-solve ng kaso kahit magma-mature na ako. Gusto kong humuli ng mga suspect at papahirapan ko muna bago ibigay sa pulisya. Para pag natikman nila ang masasakit na suntok at padyak ay matauhan sila at hindi na gumawa ng krimen. Naalala ko pa nung bata pa ako, gusto kong maging pulis para humuli ng kriminal pero ang nangyayari ay ang pulis na ang nagiging kriminal ngayon. Kaya gusto ko silang imbestigahan at dahil na rin sa Detective Quest ay nagka-interes ako sa pagiging detective but hindi ako fans ng Detective Quest. I'm fan of Sherlock Holmes, the best detective fictional character in the world.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon