CHAPTER 33: PARKING LOT ( PART 1: THE PLAN )

378 10 0
                                    

LUIS POV:

Gabi na at uwian na rin ng grade 11 at 12 ngunit ang mga ka-membro ko sa DIC ay may misyon pa. Misyon na hanapin si Rocelle sa private parking lot ng school na ito. Kahit na SSC President ako ay wala akong karapatan na pasukin ang ganung lugar dahil isa lang akong estudyante hindi katulad ng pasosyal na mga teacher at walang kwentang principal na iyon.

Ang kaninang hostage taking kay Diana ay natapos na dahil pinatulog ko na si Fred gamit ang sleeping attack ko. Speaking of Fred, nasa hospital siya kasama si Doc. De Jesus na doktor ko, sinabi ko na kailangan niya lang psychologist dahil alam kong depress na depress si Fred sa nangyari at sana walang mangyari sa kanya dahil siya ang sunod na target ng EASY.

Balita naman kay Julio ay nasa hospital pa rin, nagpapagaling. Nakaligtas siya sa fatal wound sa katawan niya dahil sa bala na tinapon sa baril ni Rocelle. Rocelle na kailangan na naming iligtas na nasa parking lot daw ng school.

At yung mga sinabi ni Jasmine ay isinasaayos ko na para ma-solve na ang John Paul Poisoining Case at matugma-tugma ko na ang pangyayari para mahuli na ang kagagawan ng EASY organization. Ang alam ko lang ay si Arson ang killer doon but ang tanong lang sa ganitong scene ay bakit sa lahat ng kaso ay si Lloyd ang tinuturo, halata naman sa pampatulog niya sa akin sa gasoline station, yung sa operation ni Kuya at yung nagtatagong gunman sa condo na pagmamay-ari ko din mismo.

Alam kong may kulang pa na pieces para ituro ang mastermind nito. Alam kong may mali sa bawat kaso. Alam kong hindi si Lloyd ang may kagagawan nito, bakit bawat ng paratang ko kay Lloyd ay iniwawaksi ng kutob ko? May iba pa bang rason kung bakit ayaw pakisamahan ni kutob ang pag-iisip ko. May mali ba, may kulang ba O di kaya nalito lang ba ako. ( A/N: Hindi rin ko alam eh, pati rin ata ang makakabasa nito. Wala pa nga akong maisip na ending eh....joke lang, meron syempre haha )

****

Nasa opisina ang lahat. Nandoon na si Henry ( The Innocent ), Diana ( The Hacker ), Lorenze ( The Observant ), syempre ako din, Luis ( The Leader ). Ang pagiging detective ay mahirap pero kahit hindi ko na ituloy ang pagiging detective basta ma-solve na ang dilemma ito, oks na ako.

"Lalim nanaman ang iniisip mo dyan" bigla akong nagising sa katotohanan dahil kay Diana na sa gilid ko lamang, nakaupo siya sa sofa.

"Nakaabot na ata yan sa Mariana Trench sa lalim ng iniisip" sabat ni Henry.

"Anong oras tayo magsisimula Luis?" tanong naman ni Lorenze na nasa left side ko. nakaupo siya sa isang monobloc na laging nakatengga kapag wala akong pa-meeting sa DIC members.

"Wait lang, 5 minutes pa" nakakapagod kayang buhatin si Fred kanina at isakay sa kotse. Akala mo tatlong kaban ng bigas eh pero kahit ganun sinikap ko na buhatin siya dahil alam kong naging mabuti siya sa akin kahit na harsh ako. Yes, yes. yes, simula pa lang ay bitter akong tao pero kapag lalong tumatagal ay nakikita niyo na ang soft inside ko. I can't imagine na ako bilang villan ay naging isang protagonist na may mabait na kalooban.

Habang nag-ce-cellphone sila ay nakatanggap ako ng message sa unknown number at EASY nanaman ito. Sino pa ba haha? Kabisado ko na tricks nila.

****

HELLO LUIS,

KUNG GUSTO MO AKO MAKITA

PUMUNTA KA SA CODE NA

IPAPASAGOT KO SA IYO

CODE:

BREAD LIRD

****

Bagong pakulo ba ito O sadyang gusto ng magpahuli ng leader ng EASY na yan. Hindi ako tuso para kagatin ang bitag nila ngunit curious ako kung bakit gustong magpakita yang leader ng EASY na yan.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon