DIANA POV:
Ewan ko ba bakit ako naiilang kay Luis? May kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko maipaliwanag.
"Uy! Bakit ang tagal mo?" ususyong tanong ni Queen nang pumasok na ako ng silid.
"Akala ko nag-CR ka, bakit ang tagal mo?" singit na tanong din ni Joy.
Ang alam lang kasi nila ay nag-CR ako ngunit pumunta talaga ako sa opisina ni Luis.
"Mahaba ang pila sa baba eh" tanging dahilan ko lang na naisagot ko sa kanila. Ganyan naman silang talaga, Over-protective sa akin nung sinabi ko sa kanila na umiyak dahil kay Luis.
"Asus! Kahit magdahilan ka Diane, halata ka pa rin. Aminin mo...may pinuntahan ka noh?" grabe! Ang lakas naman ng sense nitong si Joy kaya ang aking noo ay pinagpapawisan na.
"Pumunta ako ng library" wala na akong maisip na dahilan. Nahihirapan na ako sa kanilang pagtatanong.
"Library! Eh may klase tayo?" iniipit ba nila ako para masabi ko ang totoo na pumunta ako sa opisina ni Luis.
"Baka...." kumalabog ang puso ko nang sisingit si Joy. Ayaan na si madam kutob, syempre ang lakas ng kutob nito. FYI 70/75 siya sa exam namin sa science dahil sa pagkukutob kaya mas lalo akong kinakabahan sa kanya eh.
Ilang segundo ay natapon na niya sa ere ang kanyang gustong sabihin kaya ang kaba ko ay malapit ng lumapas sa average nito.
"Baka, may inii-stalk siya na oppa na lalaki sa ibang room, kaya natagalan haha" akala ko kung ano na naisip ni Joy na kabalbalan.
"Hindi ah" depensa ko. Ang totoo pa nga, ako ang may stalker. Speaking stalker may naisip na si Luis para mahuli ang nagii-stalk ko.
[ Flashback ]
"I have stalker" mahina kong tugon sa katanungan niya kung bakit nandito ako sa opisina niya.
"Don't worry, I have plan to catch your stalker" awtoridad niyang sambit kaya mas nagustuhan ko siya. Kahit na anti-social siyang tao ay mayroon ka rin siyang concern sa paligid niya.
Natutuwa pa rin ako sa kanya, kahit ang sungit sungit niya, sobra niyang soft sa akin.
"Later pag' uwian na, mag-isa kang maglakad pauwi" wow! Papalakarin niya ako? Eh ang layo ng bahay ko sa school eh huhu, papagurin niya ba ako?
Pero okay na rin para exercise sa akin, minsan din naman naglalakad ako kapag kasama ko si Queen at Joy na malalapit ang bahay.
"Wait... What's plan? Para update naman ako sa gagawin mo" tanong sa kanya.
"I execute the plan and don't worry, walang foulplay na mangyayari, I promise!" naka-pinky swear pa siya, mukha siyang bata haha kahit mas bata pa ako sa kanya. Kahit naiilang ako sa gesture niya ay agad ko naman itong tinanggap.
"Okay" sabay pinky swear sa kanya.
"So, isasama mo rin si Henry at Lorenze sa plano?" tanong ko habang nakaupo pa rin sa monobloc.
"No, ako lang mag-isa, sabi ko nga diba. I execute the plan"
"Uh?" taka, kaya niya ba mag-isa.
How if may weapon yung stlaker ko? kaya niya ba?
"Sabi ko nga sayo, Don't worry, I protect you and no one can harm you" pahayag niya. Kaya na-fall ako sa kanya eh. Kahit masungit siya, natuto akong mahalin siya kahit pamilyar lang ang mukha niya. At wala akong pinagsisihan na minahal ko siya.
Gusto ko kasing back to zero ang lahat, yung nakakapalagayan pa lang kami ni Luis, sabi nga sa kanta na I can help falling in love with you, "Wise men say, only fool rush in" so gusto kong patagal ng patagal, and I don't use the rush plan. Alam ko namang high school pa lang kami, baka sabihin pa ng iba "Bata pa lang marunong ng lumandi hihi"
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...