CHAPTER 33: PARKING LOT ( PART 2: THE CAR )

313 9 0
                                    

LUIS POV:

[ Flashback ]

Nasa kalagitnaan na ng kompetisyon ang lakan at lakambini habang kakatapos lang kumanta ang mga mang-aawit ng OPM songs na ginawa nilang parody para maipasok ang tema – Tema: Wika ng mga pilipino, ang filipino.

Maraming estudyante ang masaya. Ang mga nagtilian kanina ay tila paos na. Wala kasing kapaguran sa kanilang pag-iingay, eh hindi naman yan kasama sa criteria sa pag-dya-judge. Habang pinapalipas na ang oras ay ready na ang lakan at lakambini na naka-sports wear. May naka-suot ng basketball attire, baseball din, soccer, at iba pa.

Ang mga nag-iingay-an kanina ay pumawi na dahil pinagsabihan sila ng mga C.A.T na ipinag-utusan ko. Rumampa na ang mga lakan at lakambini na nasa tamang huwisto at magandang postura.

( Music: Who's that girl by: Guy Sebastian )

Rumampa na ang mga lakan kasama ang kanilang lakambini. Ofcourse may kolorete pa rin sila sa kanilang mukha na gusto kong tanggalin. It's very catching attention of everyone, the highlight of their face is so annoying. Mali-mali ang mga make-up na pinaglalagay sa kanila kaya hindi sasakto ang personality nila sa mga pinatong sa kanilang mukha.

Una nang rumampa ang mga kalahok ng grade 11 bago ang grade 12. Kasama doon ang mga course na ICT, TVL, Cookery, STEM, GAS, HUMMS, SSP, at Electricity. Syempre puro ngiti ang mga kasali doon akala mo model ng brand ng toothpaste eh. Lakad doon lakad dito, puro hiyawan naman ang nasa dakong gilid na kinakatay na baboy sa sobrang ingay.

Bawat pose ng mga kalahok ay mas kina-gwapo nila O di kaya ay mas kinaganda nila. May nakita akong kalahok na kanina'y hindi ko napansin. She's wearing cap, skateboard attire to be specific. She's beautiful at kilala ko siya kahit hindi niya ako kilala, long story kaya I can't tell, okay? It's complicated, baka sabihin niyo pa akong stalker. Siya ang model ng grade 12 sa ICT syempre narinig ko siya sa kanina sa kanyang pagpapakilala. Mabilis ang bawat transition ng mga pagrampa dahil may sunod na pang event. Kundi ang pagtula na gamit din sa sarili nilang likha na nakabatay pa rin sa tema syempre.

Hindi pa rin tapos ang salik ng kanta kaya tuloy-tuloy pa rin ang mga candidate sa kanilang posing. Ang mga nanonood naman na estudyante ay tuwang-tuwa sa kanilang napapanood. Buti ay close area itong gymnasium at may bubong kaya hindi mainit. Meron ding mga air conditioner sa bawat sulok kaya nilalamig din ako kanina pa.

Pagkatapos rumampa ang mga kalahok ay nagsama-sama sila sa gitna na naka by-partner. Cute naman tingnan sila na akala mo ay anime lang na napapanood ko sa TV ngunit may tinitingnan talaga ako. Walang iba kundi ang babaeng naka-skateboard attire. Alam kong hindi niya pa alam ang nakatadhana at gusto kong magtagpo kami para masabi sa kanya ng personal. Mali-mali pala, wag muna dahil wala pa kami sa wastong edad para maging isang dibdib.

Ang presensya ko sa kanya ay biglang lumambot na hindi ko maitindihan pero alam kong normal lang ito. Minsan ay natatanaw ko rin siya sa opisina at sana balang araw ay nagkakilala kami. Sana nga, sana nga.

You are my destiny, Diana Shulz.

[ End of Flashback ]

"Sh*t" rinig kong mahinang mura ni Lorenze pagkatapos naming narinig ang napakabubulabog na gunshot. And thanks God, hindi kami ang target.

"Ang laking daga, grabe" naririnig na namin ni Lorenze ang pagsalita ng guard. Akala ko kami na ang bubwit na sinasabi niya.

Lumingon muna siya sa kahit saan bago siya nagsalita. "Luis, anong plano mo? Nalilito na ako eh"

Nandito pa rin kami sa parking lot habang nagtatago sa sulok nito. Hindi kami ata napansin ng guard dahil sobrang dilim ng aming pinagtataguan. Nasa cement pipe kami. Grabe, sobrang sikip kaya naranasan ko kung gaano kahirap maging sardinas.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon