LUIS POV:
Habang nirere-cover ko ang aking sarili sa revelation na nalaman ko, ay alam ko na kung saan naka-pwesto ang lahat ng NBI agent at pangalan nila.
Nasa loob si Mr. Indigo G para kubinsihin ang may-ari na gawin ang kanilang operasyon. Si Sir Mr. Blue X ay nagchange-outfit para maging basurero na magbabantay sa kanang bahagi ng gusali, si Ms. Magenta V naman ay nasa isang gusali para bantayan naman ang kaliwang bahagi ng appartel. Si Mr. Brown L naman ay nasa rooftop ng 7-11 na may dalang binocolars para maging lookout sa second floor, kami naman sa SUV ay lookout sa ibabang bahagi at harap ng appartel.
Ang codename ng nasa driver seat ay si Mr. Bronze Q ang katabi naman niya ay si Ms. Lavender P, ang nasa 2nd passanger seat ay si Kuya na ang codename ay Mr. Cyan W at katabi niya naman na hacker na si Mr. Silver, yung isa naman na walang tigil sa pagse-cellphone ay si Ms. Lemon O, ang katabi ko naman ay si Manoy na ang codename ay Mr. Colorless M, siya lang ang naiibang codename, yung katabi ko naman sa kanan na tutok naman sa kakalaptop ay si Mr. Ivory H.
Ang plano nila ay pasukin ito ni Kuya at katukin kung nandoon pa ang target, nakasuot na si Kuya ng pang-janitor pala hindi halata. pagkatapos non, bibilang ng dalawang minuto ay susugurin nila ito sa loob.
"Kamusta Mr. Ivory H, na-hack mo na ba ang cellphone ng biktima?" tanong ni Manoy sa katabi ko na naglalaptop pa rin.
"Yes sir, hindi nga siya nagbubukas ng data or wifi sir" tugon ni Mr. Ivory H.
"May problema tayo" rinig ko sa ear piece.
"Anong problema Mr. Indigo G?" tanong ni Mr. Bronze Q.
"Hindi pumayag ang may-ari"
"Kumbinsihin mo, kung ayaw talaga. Ilabas mo baril mo, isa itong high profile wanted na nakapasok sa appartel niya. Ako bahala sayo 'pag kinasuhan ka niyan" isang boses naman galing sa ear piece ulit. Hindi ko alam kung sino ang nagsalita.
"Tama, makinig ka kay Sir Mr. Blue X" saad ni Kuya. Si Mr. Blue X pala yung nagsalita, paunti-unti ko ng nakakabisado ang lalim ng boses nila.
"Tiwala lang dear" boses naman ng adult na babae ang narinig ko. Walang ibang nagsalita kundi si Ms. Magenta V, na nakatoka sa kanang bahagi ng appartel.
"Sige, ilalabas ko na ang baril" sunod ni Mr. Indigo G.
"Bilisan mo, masasayang oras natin!" paalala ni Sir Mr. Blue X.
"Sige Sir Mr. Blue X"
Ilang oras kami nandito sa SUV pero wala paring update si Mr. Indigo G. Naiinip na nga si Manoy kung ano ang nangyayari sa loob.
"Pasukin mo kaya, Mr. Cyan W" suggest ni Sir Mr. Blue X.
"Oo nga, ang tagal niya dear eh sa loob" pangsang-ayon din ni Ms. Magenta V sa sinabi ni Sir. Blue X.
Lumabas naman sa kuya habang suot ang jacket na may hood.
"Rinig mo ba ako, Luis?" tanong ni Kuya mula sa ear piece.
"Rinig kita Mr. Cyan W" wika ko.
"Sino si Luis, Mr. Cyan W dear?" tanong ni Ms. Magenta V
"Kapatid ko na nasa SUV"
"Bakit mo ba yan sinama sa mission natin?" galit na sambit ni Mr. Blue X.
"Kilala niya kasi ang wanted, at siya ang biniktima sa gas station ng target natin" paliwanag ni Kuya.
"Winawarningan kita Mr. Cyan W, kapag yan napahawak, hindi namin yan responsibilidad" galit na usal ni Mr. Blue X.
"Ako na bahala Sir Mr. Blue X" pahayag ni Manoy na si Mr. Colorless M.
![](https://img.wattpad.com/cover/136522115-288-k766349.jpg)
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...