A/N: SUGGEST DAW NI HENRY. BAKA KASI KINAKABAHAN KAYO SA MANGYAYARI. GUSTO NIYANG MAGING GOOD VIBES LANG ANG LAHAT. ANO BA YUNG CONDOM? COMMENT KUNG MAY NAKAKAALAM HAHA. ANG TOTOO TALAGANG TITLE NG CHAPTER NA ITO AY CONDOMINIUM. SO WALA NA AKONG ORAS MAGPALIWANAG, ENJOY YOUR READING, AND VOTE IF YOU SATISFY MY STORY. BYE, AND I'M NOT MALIBOG.
****
LUIS POV:
Nagulat ako sa tunog na narinig ko, hindi ko pa naman kinakalabit ang gatilyo ng baril pero pumutok na. It's impossible, so I'm alive pa.
May biglang kumalabog sa pintuan ko at nagsisikatok ito ng malakas, tinago ko muna ang baril sa hidden drawer para walang makakita na may armas akong dala.
"Pumasok na!" pagka-banggit ko ng salitang iyon ay pumasok si Arson na may sugat sa braso, kasama rin niya si Lorenze at Henry.
"Anong nangyari kay Arson?" tanong ko.
"May bumaril sa kanya"
"Sino!? Nakilala niyo ba?" tanong ko ulit ng mariin.
"Hindi namin nakita, nasa isang condominium ang salarin na naka-sniper na walang silencer kaya maririnig mo Luis kahit nandito ka sa loob" singit naman ni Henry.
"Puntahan niyo kung saang condominium yon!" galit na sambit ko.
"Hindi na pwedeng lumabas" malungkot na pangkasabi ni Henry.
"Sabihin niyo sa guard, Emergency ito sa DIC. At utos ni Luis ito, narinig naman ata nila ang snipershot diba?"
"Henry, halika na. Tatawag ako ng pulis para ma-cover ang area" aniya Lorenze.
"Bilisan niyo!" galit na saad ko sa kanila, dali-dali silang lumabas ng opisina.
Tumayo naman ako at inalalayan ko si Arson papuntang clinic. May tama siya sa braso, labis ang pagdurugo nito pero sa palagay ko ay dumaplis lang ang bala sa braso niya, at tsaka dumugo ito ng husto.
Nang nalalayan ko siya ay lumabas na kami ng opisina para mapunta ko na siya sa clinic. Paglabas namin ay maraming estudyante ang lumabas sa mga silid at tila takot na takot. Nagpapanic ang mga estudyante na nasa school grounds. May tumatakbo, may nagtatago sa ilang facilities ng school. Bakit ba sila nasa labas? Gusto ba nilang maki-ususyo? Mga nasa 40 student ang nasa school grounds, Siguro PE nila ngayon, huwebes kasi ang PE ng grade 11 at Friday naman sa grade 12. Hindi kami maka-usad ni Arson dahil sa mga letseng estudyante.
"Student don't panic!" sigaw ko.
Lahat naman sila ay natigil sa pagtatakbuhan nila. Binigyan din kami nila ng daanan papuntang clinic.
"Please help me, harangan niyo kami ng kasama ko. dahil siya ang target ng sniper hindi kayo. Pag' hinarang niyo kami sa bawat gilid ay hindi siya magpapaputok ng baril!" lahat sila ay lumapit sa gilid namin at may isa pang estudyante ang inalalayan si Arson sa gilid. Dalawa na kaming umaalalay kay Arson.
Mas seryoso na ang laro ng leaderng EASY. Wala ba siyang paki-alam sa mga taong pinapapatay niya. Hindi talaga siya naturuan ng una at pangatlo sa listahan ng Core Values: Makadiyos, Makakalikasan, Makatao, Makabansa.
Nang napasok na si Arson sa clinic ay gumaan na ang ibang estudyante. Ang mga babae ay nasa loob ng clinic para hindi matamaan ng ligaw na bala. Ang mga lalaki naman ay nasa labas ng clinic, na sinabihang ko na 'hindi na magpapaputok ng baril ang suspect sa pagkabaril kay Arson dahil papunta na ang pulis sa pinagyarihang lugar kung saan doon bumaril ang suspect'
"Luis, kilala mo ba yung nagpaputok?" tanong ng isang lalaking estudyante, na kasing height ko lang.
"No, but I have guess who is the gunman"
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...