CHAPTER 23: SAD DAY

417 24 0
                                    

LUIS POV:

Nang nakatayo na ako ay sinundan namin ni Lorenze at Henry si Julio papuntang school ground.

"Bakit ba kasi bigla mong sinabi Luis kay Julio na nawawala si Rocelle. Eh alam mo naman na girlfriend na iyon ni Julio si Rocelle" ani Henry.

"Wala na tayong magagawa kundi habulin si Julio dahil nasabi na eh" Lorenze statement.

"Siguro, pagmatay na si Julio, ang isusunod na niya ay si Rocelle" winika ko sa kanila habang tumatakbo.

"Saan ba pupunta si Julio?" iritableng tanong ni Henry.

"Sa room ni Rocelle, para makita ito kung pumasok ba O hindi" sagot ko.

"Nasaan ba ang room ni Rocelle?" tanong ng tanong si Henry na kanina pa ako naiinis sa kanya.

"Sundan lang natin si Julio kung saan papunta, hindi pa naman siya nakakalayo. Ayun pa nga siya" saad ni Lorenze sabay turo sa lalaking tumatakbo din.

Tinakbo namin ang tinakbo din Julio, pumunta si Julio sa Krpton Bldg. dahil doon ang room ng lahat ng grade 12, isa itong 5 story building na may 6 na room kada floor. At ang room ni Rocelle ay matatagpuan sa 1st floor ng building na pinuntahan ni Julio.

"Bakit pumasok siya sa isang room, eh hindi naman siya HUMMS diba, Gas yan si Julio diba?" tanong nanaman sa lalaking na ito na si Henry. Pumasok kasi si Julio sa loob ng room nila Rocelle.

"Alam ko na, dyan ata ang room ni Rocelle. Tatanungin niya sa kaklase ni Rocelle kung pumasok ito" hula ni Lorenze.

"Mukhang tama ang sinabi mo Lorenze" pagtatama ko.

Lumabas ulit si Julio.

"Mukha siyang malungkot, halatang hindi pa pumasok si Rocelle" sabi naman ni Henry.

"Oo, wala si Rocelle. Dahil dalawang araw na siyang nawawala"

"Ano!?" reaksyon nila.

Biglang tumingin sa amin si Julio pero agad kaming nagtago sa library. Kalapit kasi ng Krpton Bldg. ang library.

"Tumahimik kayo" saway ko sa membro ko.

"Muntikan na tayo doon" sabay punas sa pawis ni Henry sa kanyang noo-han.

"Muntik na talaga" comment naman ni Lorenze.

"Anong ginagawa niyo dyan Henry at Lorenze? Tsaka sino kasama niyo?" rinig kong boses na pamilyar, babae siya at mahinhin ang boses, parang yelo kapag siya'y nagsalita dahil manlalamig ka sa tinig niya.

"Ah...eh" wala pang maisip ang dalawang engot na ito.

Agad akong pinaharap ng babae at imbes ako ang nagulat ay siya ang nagulat nung nakita ako.

"L..u..i..s!"

"D...i..a..n..a!"

Nang makita ako niya ay bigla siyang umalis kaya hinawakan ko agad ang wrist niya.

"Bakit ba?" pilit niyang pagpupumiglas.

"Bakit hindi ka na napunta sa meeting?" malungkot na tanong ko sa kanya.

"Ayoko kasi, tsaka wala ka namang karapatan na utusan ako, sino ka ba? Eh isang hamak ka lang na walang kwentang SSC President dito sa school" sambit niya na parang nagkaroon siya ng amnesia.

"Ooooohhhh!" reaksyon ng dalawang lalaki na kasama ko.

"Diana, Oo, isa akong kwentang tao na nakilala mo. Pero ako ang mahal mo sabi mo dati"

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon