LUIS POV:
Pagkatapos kong kumain ay agad kong nilabas ang aking cellphone para i-chat ang aking membro sa GC. Nakalathala doon ay..."We have a meeting later 8:00 am sharp. We need to talk for Fred situation in hospital". And touch the send.
Tumayo na ako't umalis na nang opisina dahil pupuntahan ko ang JIA. Hindi ako maaring umayaw sa gusto nila dahil may consequence na mangyayari. Hindi pa naman mainit kaya mabuti pa ang sinag ng araw sa aking balat na nagbibigay nutrients sa pagkinis nito. Nilakad ko ang kahabaan ng school grounds para puntahan ang Macapagal Bldg.
Kita ko ang tugatog ng taas ng gusaling ito na pumipigil sa sikat ng araw. May apat na palapag ito at mimistulang luma dahil kaunti lamang ang napunta dito. Ang Macapagal Bldg. kasi ay isang building na para lamang sa mga room space ng mga nakapasang club at kasama na ang DIC ngunit hindi ko muna inukupa dahil kakaunti lang kami at kasya naman kami sa aking opisina.
"Luis!" tawag sa akin ng isang babae na nagtanong din sa akin kanina. Kilala ko siya ngunit nakalimutan ko ang kan'yang pangalan at apelyido. Pumunta ako sa kan'ya upang malaman kung saan ang club room nila.
"Where's your club room?" tanong ko habang naka-krus ang aking dalawang bisig sa isa't isa. Nang sinabi ko iyon ay bigla siyang ngumiti.
"Dito lang po" sabay turo niya sa pintuan na nasa likod lamang niya. Nasa 1st floor pala ang club room ng JIA. Hindi ko kasi alam dahil pina-assist ko iyon sa OSA ( Office of Student Affairs ).
"Pasok na po kayo, hinihintay na po kayo ng ating mga journalist" dugtong niya at ginabayan niya akong pumasok sa kayumangging kulay ng kanilang pintuan. Siya na rin ang nagpihit ng doorknob para sa akin.
Tumambad sa akin ang isang sofa na nasa kaliwa, isang glass table sa gitna na punong-puno ng papel at mga journalist na may dalang notebook at notepad na naka-upo sa isang silyang may sandalan sa likod na matatagpuan sa kanang bahagi ng silid.
"Oh! Goodmorning SSC President" bati ng isang lalaki na nakasalamin.
"Long time no see" saad naman ng isang lalaki na nakatingin sa akin ng diretso. Animo'y may galit sa akin.
"Hello po kuya Luis!" sweet naman na pagkasabi ng isang babae na naka-headband sa pinaka-kanan ng silid.
"Marami kaming tanong Luis, kaya maari ka ng umupo" wika ni Ma'am Espiritu na may hawak ng journalism club na tinatawag na JIA at isa rin siyang English teacher.
"Wag kang kabahan hijo" sambit naman ni Sir Hondrado na may hawak sa brodcasting club na tinatawag na RBO at isa rin siyang Filipino teacher.
Umupo na ako sa isang malambot na sofa. Kinakabahan ako sa tagpong ito. Nandito rin ang photojournal na kumukuha ng litrato at alam kong nag-vi-video din. Nandito rin ang ilang jornalist na hindi nagtatanong bagkus may hawak na cellphone para i-record ang ganitong interview.
Mas lalo tuloy akong kinabahan ng naka-upo na ako at bumigat ng atmosperika dito sa silid.
"Unang tanong! batay sa aming pagsasaliksik, may nangyayaring patayan sa ating paaralan. Paano niyo po ito reneresolba kung kayo lang po ang may detective club dito sa ating paaralan? may magagawa po ang DIC sa ganitong sitwasyon o walang magagawang aksyon?" tanong ng isang lalaki na tama lang ang pangangatawan na may magandang tono ng boses. Sa kan'yang tanong ay nalito ako dahil ang dami niyang gustong malaman ngunit kailangan ko itong sagutin dahil mahalaga ang aking sasabihin para sa aking club at ang aking paaralan.
"Una sa lahat, ginagawa namin ang aming trabaho bilang detective sa ating paaralan kahit wala pang matibay na konklusyon. May mga lead din kami kung sino ang may kagagawan. Suportado rin kami ng pribadong pamahalaan maliban sa kapulisan dahil mga bata pa kami pero may alam na kaming lead na galing sa isang leak message, malapit na matapos itong kasakiman na patayan"
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...