CHAPTER 40: SEARCH AND RESCUE ( PART 2: SPOT THE BLINDSPOT)

104 4 0
                                    

LUIS POV:

Pinuntahan na namin ang lugar na tinutukoy ng EASY. Do'n lang pala nila tinatago si Diana.

"Luis, sa'n tayo pupunta?" usisa ni Henry habang nagmamaneho ako at makatutok sa daang aming tinatahak.

"Basta," sabay kamb'yo sa clutch. "Bago 'yong code na binigay ng EASY ay may natanggap akong tawag."

"Anong sabi raw?" tanong ni Lorenze habang inaayos ang lente ng kan'yang salamin.

"Ganito..."

[ Flashback ]

Lumabas na kami ni Lloyd sa Interrogation Room dahil naisiniwalat niya ang buong pagyayari. Kwenento niya kung paano siya niyaya ni Kylie sa canteen at paano kumilos 'yong mga kasama niya no'ng mga oras na 'yon.

"Kamusta hijo, may malaman ka na sa kaso?" tanong ni 'Walking Moustache'.

"Hindi pa kongreto 'yong mga sinabi niya pero kailangan niya pang-imbistigahan."

"Ah, so kailan ka bibisita, hijo?"

"Sa susunod na lang na araw kung saan libre ako. Tsaka nga pala, Lloyd, bukas mame-meet mo 'yong in-assign ko na abogado sa'yo. Wag kang mag-alala kaya ka niyang ilaban sa korte."

Hindi nakasagot si Lloyd ngunit alam kong sa sarili kong masaya siya sa aking sinabi.

"Osiya, halika na Lloyd, ibabalik na kita sa selda mo." saad ng kaharap kong pulis.

Pagkatapos kong dalawin si Lloyd ay lumabas na 'ko ng pulisya at hinintay si Manoy para sunduin ako. Nakapaninibago ang araw na 'to, parang mararamdaman kong may masamang mangyayari.

Biglang nag-ring ang aking cellphone at agad rumesponde sa tawag kahit na Unknown Number ito.

[ Call line ]

LUIS: HELLO? SINO 'TO?

*****: DO YOU LIKE HAM AND CHESSE?

LUIS: WHAT?

*****: OR PEPPERONI?

LUIS: HELLO? HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SA'YO.

*****: I THINK YOU NEED VEGETARIAN.

LUIS: WAG MO 'KONG I-PRANK D'YAN. IPAPA-TRACE KITA SA POLICE.

*****: OH POOR LITTLE BOY! YOU NEED HAWAIIAN.

LUIS: IBABABA KO 'TONG TAWAG 'TO.

*****: OR YOU NEED DIANA?

[ Call ended ]

Binabaan ako ng tawag imbes na ako ang unang magbaba ng linya. Nagulat lang ako sa part na "Or you need Diana?", isa nanaman itong code o message galing sa EASY. Magaling silang mag-disguise dahil pati tawag ay napa-voice changer ulit nila.

Biglang may sumulpot na sasakyan sa aking harapan at binaba ang bintana nito.

"Sasakay ka ba Luis o hindi?" tawag sa akin ni Manoy at agad akong pumasok sa sasakyan.

This call is brings me chill and thrill for this investigation.

[ End of Flashback ]

"Anong meron do'n sa tawag? Wala namang connect sa plaza 'yon ah." sabat ni Henry na panay tingin sa labas ng bintana. Akala mo 1st time lang makasakay sa sasakyan.

"May connection 'yon Homes. Hayts, tama nga lang pala apelyido mo, hindi dapat Holmes kasi hindi mo kayang ipag-connect ang dalawang clues," singit ni Lorenze. "'Yong sinabing clue kanina na "Yummy" ay connect do'n sa tawag dahil lahat ng sinabi sa tawag maliban kay Diana ay flavour or klase ng Pizza."

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon