CHAPTER 24: GUY IN THE BAR

410 21 0
                                    

LUIS POV:

Pagkatapos ng trahedya ay hindi na ito kumalat sa paaralan dahil kami'y nagdala kay Julio sa hospital. Sabi ng dortor ko na si Doctor De Jesus, critical daw ang nangayari kay Julio, may fatal wound daw ito sa tiyan dahil sa balang tumama sa kanya. Nasa 50/50 daw ang buhay ni Julio pero sinisikap nilang gamutin ito. Si Rocelle naman ay nasa kustodiya ng pulis para mahanapan ng statement sa pangyayari, kaming tatlo naman ay nakapagbigay na ng statement kaya nakalabas na kami, gabi na nga natapos ang pagtatanong pulis sa amin. Si Rocelle lang hindi muna makakalabas dahil may konti pang aberya sa statement niya, at siya kasi ang pumatay kay Julio.

Si Henry at Lorenze naman ay tila malungkot din sa nangyari dahil mabait kasi iyong si Julio sa pagiging Vice President niya sa SSC. Marami kasing kaibigan si Julio mapa-grade 12 O grade 11, isa pa siyang subtitution teacher pag may umabsent na teacher. Siya rin ang leader ng KaPaSA ( Kapatiran Para Sa Asignatura ) na tumutulong sa estudyante na makapasa sa asignatura na nahihirapan sila. Siya din daw ang nag-isip ng program para sa ikaka-recover ng estudyante sa nangyari kay John Paul Reyes.

"Luis!" sabay kaway ni Henry ng kamay niya sa mukha ko.

"Lutang ka nanaman Luis" sitsit naman ni Lorenze.

"Ah!" balik sa katinuan ko.

"Bakit? Anong meron?" pagtataka kong tanong sa kanila.

"Mahirap ka na Luis, kailangan mo na nga talaga ng treatment" sabat ni Henry.

"Anong treatment? Psychological treatment? Wala akong sakit sa utak ah" sabi ko agad sa kanila.

"Ano bang treatment ang naiisip mo dyan, Henry?" takhang tanong naman ni Lorenze.

"Bar treatment, nakalimutan niyo na" saad ni Henry habang may kinukuha sa wallet.

"Lakas ng loob mo Henry magsalita ng ganyan eh nandito tayo sa harap ng station ng pulis" sita sa kanya ni Lorenze.

"Wala akong pake dyan" yabang ah, porque pulis lang tatay niya.

"Ito nga pala yung ID na gagamitin natin" sabay bigay ni Henry ng ID kay Lorenze.

"Sure ka bang, hindi kami madadawit dito?" tanong ko kay Henry para sigurado.

"I promise, I'm Henry Homes, hindi ko idadawit ang dalawa kong kaibigan sa kawalwalan namin kapag nahuli kami ng pulis" sabay taas ng kanang kamay niya na parang nanunumpa ng watawat.

Naglakad kami sa isang kotse ngunit may biglang lumabas sa bibig ni Lorenze.

"Wait! Paano tayo makakapasok sa bar eh naka-uniform tayo"

"Okay lang doon naka-uniform, doon nga napunta yung mga grade 12 eh, basta 18 ka na at grade 12, basta may ID kang dala" paliwanag ni Henry.

"Kaninong kotse ang sasakyan natin?" tanong ko sa kanya.

"Kay papa, pero ako ang magdra-drive sa inyo"

"Magdra-drive?" pagtatakang tanong ni Lorenze.

"Anong masama sa pagdra-drive?" tanong ni Henry.

"Wala ka pa namang driver lisense para magmaheno ng sasakyan diba?"

"Marunong ako mag-drive kaya wag na kayong mag-alala tsaka tinuruan na din ako ni papa nung nasa probinsya kami"

"Eh wala ka ngang driver lisense" mahinang ngitngit ko.

"May driver lisense ako na pinagawa ko pa sa recto haha, so don't worry kapag nahuli tayo ng traffic constable"

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon