CHAPTER 15: BLIND DATE

614 36 0
                                    


LUIS POV:

Nang dumating ako sa bahay ay sinalubong ako ng mga maid sa gate upang dalhin lahat ng aking gamit.

"Good evening Sir Luis" sabay sabay na sinabi ng limang maid.

"Alalayan niyo si Sir!" bilin ni Manoy sa mga maid.

"Bakit? Ininom ba to" tanong ni Veronica.

"Oo, nakainom yan" sagot ni Manoy. Nagulat ako sa sagot niya.

"Yari tayo kay Sir Isaac, hindi pa naman yan pinapainom ng alak. Ikaw mananagot dyan Manoy"

"Ah? Alak ba? Sabi ko, Nakainom....Nakainom ng kape hindi alak" natawa ako sa sinabi ni Manoy, nakangiti naman ako kahit kaunti.

"Joker man 'ya nani Manoy" wika naman ni Yvtte, na isang bisaya naming maid.

"Uminom ng kape tapos inantok, lakas mo rin noh" bato ng salita ng isang naming maid na si Jamie.

"Mas malakas si Sir Luis, dahil inaantok parin siya kahit nakainom ng kape"

"Alalayan niyo na ako kaysa mag-ingay kayo dyan, nakakahiya sa kapitbahay!" saway ko sa kanila.

Habang inaakyat ako pataas ay naalala ko ang huling sinabi ni Lloyd sa akin.

[ Flashback ]

Kahit nakaamoy ako ng chemical na malakas ay nakakarinig pa rin ako kahit mahina. Nasa sahig ako nakahiga at pinabayaan niya akong matulong doon. Ewan ko ba kung bakit hindi niya ako pinatay. May binulong pa siya sa kanyang sarili at narinig ko iyon.

"Sorry Luis para sa kapatid ko ito"

[ End of Flashback ]

Sino ba yung kapatid niya? Siya ba ang leader ng EASY at killer? Siya ba ang nagre-revenge sa akin para lang sa kapatid niya? Eh wala nga akong kilalang pamilyang Farn sa US eh.

Mukhang mabait naman siya, pero bakit siya pumapatay ng tao. Nagseselos ba siya sa relasyon nina John Paul at Kylie? Personal na galit ba ang may kagagawan kaya napatay niya sina John Paul at Kylie. Pero bakit nag-iiwan pa siya ng riddle, mga code at papel sa bulsa ng biktima. May ipinahihiwatig ba siya.

Ang daming tanong pero iisa lang ang sagot nito. Iisa lang ang makakapagturo kung bakit ginagawa ito. Iisa lang ang makakasagot......Kailangan ko siyang kausapin, kailangan ko kausapin si Lloyd para masagot ang tanong na gumabagabag sa akin tuwing gabi. Hindi makatulog sa kasong hawak ko, lalo na malapit ng grumaduate kami.

Gusto kong maka-usap siya kahit sandali para malaman ang totoo. Para masagot ang misteryong tumatakbo sa utak ko. Malaman ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito. Mabigat ba ang atraso ko sa kanya?. Dapat kong makuhang lahat ng sagot at maayos ang tugpi tugping ganap katulad ng jigsaw puzzle. Kulang pa ng ilang pisaro para mabuo ang kabuoang sagot. Mahanap kung ano ba ang sanhi ng away at maresolba ito sa pamamagitan ng pag-uusap. At sa huli mabasag ang kamalian at ituwid ang katotohanan.

****

Nasa kwarto na ako. Nakahiga sa malambot na kama at nakahiga ang ulo sa malambot na unan. Habang ako'y lulan ng aking kama ay hinanap ko ang aking phone upang matawagan si Henry para tanungin kung bakit naging suicide ang nangyari kay Kylie Opial.

Pagkatapos hanapin sa phonebook ang number niya ay agad ko itong tinawagan kung ano na ang update sa nangyaring kaso ni Kylie Opial. Nag-ring naman ng ilang beses at sa kabutihang palad ay nasagot niya ito ng mabilisan

****

LUIS: HELLO!

HENRY: BAKIT KA NAPATAWAG LUIS?

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon