HENRY POV:
Yown! Bago muna, salamat Kuya author dahil may POV na ako. Pangit kaya maglarawan si Lorenze, walang kagana-gana. Sa mga supporters ko, dumami kayo na parang butete hehez. Excited na ba kayo? ako, hindi pa eh hehehe. Dejoke lang, kaya meron na ngang nakasulat eh. Okay guys, hindi ko na hahabaan baka magkaroon pa ng ads eh hahaha. Hanggang sa muling narration. By: MalapoksXD_Henrymapagmahal187.
****
Nasa school na ang sasakyan nila Luis. Ang sosyal nila, iba't-ibang sasakyan kada araw.
"Hindi ka ba sasakay?" tanong galing kay Lorenze na nasa loob na ng sasakyan. Atat na atat si Nerdie guy, lagi na lang may salamin. Mukha siyang matanda n'yan eh.
Anyways, kanina ko pa tinatawagan si Diana at hindi siya nasagot. Ano bang nangyari kay Diana? Busy ba siya? Eh, kahapon sabi niya pupunta siya pero bakit ngayon wala siya? Hindi ko pa naman alam bahay no'n.
"Sasakay ka ba, Henry? Kung hindi, d'yan ka na lang sa school." bigla akong napabaling kay Lorenze na akmang isasara na ang pintuan ng sasakyan.
"Wait lang." pahabol ko. Ayoko kaya sa school, wala namang ginagawa, eh.
Dali-dali akong sumakay para hindi maiwan. Pumasok ako do'n habang katabi si Lorenze the nerd. Excited kasi si kumag.
Nang naka-upo na ako sa likod ng driver seat ay nagsimula ng umandar ang sasakyan, pero hindi ko na 'yon pinansin. Gusto ko kasing malaman kung bakit hindi pumunta si Diana. Magagalit si Luis neto, eh. Agad kong tinawagan ulit si Diana. Ilang sandali ay sa kabutihang palad ay nag-ring ito hindi katulad kanina na "The number you have dialed, or number you have texted are out of coverage area, please try again later."
[ Call line ]
HENRY: DIANA?
DIANA: .......
HENRY: AKALA KO PUPUNTA KA, NASA'N KA NA?
DIANA: .......
HENRY: SUMAGOT KA NAMAN, SUSUDUIN KA NAMIN, NASA'N KA BA?
DIANA: .......
[ Call ended ]
Huh? c-in-all ended ni Diana? Anong meron? Ayaw niyang magsalita tapos binaba niya 'yong tawag. Pina-prank niya ba kami?
"Anong sabi ni Diana, Henry?" tanong ni nerdie guy na nakadungaw sa bintana ng pintuan ng sasakyan.
"Wala eh, walang response."
"Malay mo, busy lang." maikling pakli ni Lorenze at tumahimik agad. Baka busy nga lang.
"Wala pala 'yong kasama niyong babae." salita ni Kuya habang nagmamaneho ng sasakyan na aming sinasakyan.
"Wala kuya, eh. Kapag tinawagan, walang response o 'di kaya ay walang sinasabi."
"Hayaan n'yo. 'Pag nasa ospital na kayo, babalik ako sa school niyo para hintayin siya. Ano'ng pangalan no'n?"
"Diana po." sagot naman ni nerdie guy na gano'n na pa rin ang posisyon.
Nakakatamad naman dito sa loob ng sasakyan, wala man lang music d'yan. Buti pa kahapon, 'yong nag-movie marathon kaming tatlo hehehe. Natatawa ako sa bagay na 'yon.
[ Flashback ]
Nasa bahay na namin sina Diana at Lorenze. Buti ay nakapaglinis pa ako, gumana kasi mood ko kanina kaya mas naging malinis na dito sa room ko.
Nakaupo si Diana sa kama ko habang kami ni apat na mata ay nakasalpak lang sa sahig. Wala eh, gano'n kami ka-gentle man.
"Ano'ng papanoorin natin?" tanong ni Diana na may dalang popcorn. Sarap manghingi hehehe.
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...