DIANA POV:
Pagpikit na lang ang tangi kong nagawa dahil ayoko ng makita ang lalaking nanakal sa akin and ayoko na rin isipin na balak ni Luis akong sagipin. Akala ko ay nandiyan na siya sa aking tabi para bantayan ako ngunit bakit ganto ang nangyayari. Sabi niya ay proprotekhanan niya ako pero bakit sakal ako ng lalaking stalker ko din.
Dahan-dahan tumulo ang luha ko sa aking mukha na tila bawat patak ay pinagsisihan ko kay Luis. Wala rin akong magagawa kahit sumigaw man ako ng malakas dahil napabayaang street na ito at kahit sinuman ay walang makakarinig maliban sa lalaking pinagtatangkaan ako.
Ang mahigpit na kamay na bumabalot sa aking leeg ay hindi na mahigpit, Pinakakawalan niya ba ako O naawa sa akin.
Binuklat ko ang aking mata at sinuri ang lugar kung saan nandito pa rin kami sa street Venus. At ang lalaking stalker ko ay napahiga sa malamig na sahig ng eskinita.
"Ouch!" daing niya dahil sa sakit, kitang kita ko ang matinding hawak niya sa kanyang kanang braso na may bahid ng dugo. Hindi ko makita din ang mukha niya dahil sa itim na tela nito na parang magnanakaw na ayaw mahuli ng CCTV.
Nagtaka naman ako sa kanyang kilos, eh hindi ko nga siya sinaksak. Paano nagkaroon siya sugat sa braso? At isang sagot lang ang pwedeng ibigay sa akin.
Tumingin ako sa aking likuran, alam kong may tao dito. Dahil sa kanyang mahinang patawa.
"I said moment ago, Don't worry, I protect you and no one can harm you, My Diana" My Diana? Pagmamayari niya ba ako? Bakit may "my"?
"No one can hurt you because I'm your glorious knight and I serve for you, loving princess" sabay kindat niya, bakas ang pagngisi niya sa kanyang labi. Mukhang nadalian siya kalabanin yung stalker.
"Pretty easy oponent haha" usal niya habang tinitignan ang kutsilyo na may dugo. Magaling nga siyang makipaglaban. Nung una ay sa canteen, tapos kay Fred at ngayon.
"Uh? What are you doing?" ano bang meron sa dugo ng stalker ko?
"I see the blood of my oponent, Gusto ko lahat ng mahuhuli kong kreminal ay susugatan ko sila at titignan ko ang dugo nila" si Luis pa ba ito? Pulang-pula ang mata niya na parang naka-take ng drugs, like cloud 9 and flakka. Kita ko rin ang ngitngit ng kanyang ngipin na galit na galit sa gustong pumatay sa akin.
"Just secret my identity, I'm a silent but very dangerous person" bulong niya sa akin. Yeah! He is a very dangerous damn man I ever have seen.
"Psychopath" tanging sigaw ng aking isipan, yes, he is a psychopath. The psychopath that have a good attitude to protect the innocent.
"And ayokong may humawak sayo na lalaki, agree!?" para siyang commander ng isang task force base sa kanyang tono at boses.
"Uh?" nagdadalawang isip pa ako, nalilito ako kung siya ba ang tunay na Luis na kilala ko na walang pakialam sa akin O Luis na laging mabait sa akin at laging may concern. Pero lahat ng pantasya ko ay nagbago, ang gusto kong Luis dati ay parang nagbago bigla, new version na ba? Hindi ako na-update eh.
"Agree!?" napre-pressure ako sa boses niya, ngayon para na siyang strict father na tila ingat na ingat sa mahal niyang daughter.
"Yes na" sabay irap ko.
Nakita ko ulit ang stalker ko na nahihirapang tumayo kaya tinulungan ko pa rin, syempre tao pa rin siya. Hindi katulad ni Luis ngayon na parang hindi na tao.
Inilahad ko naman ang aking palad sa lalaking magtatangka sa akin. Agad naman niya itong tinanggap kaya napangiti ako.
Si Luis naman ay nagtataka sa ginawa ko, hindi man lang siya nag-sorry sa stalker ko. Buti yung stalker ko ay lagi akong sinusundan, hindi katulad ng lalaking nagligtas nga sa akin pero parang wala naman siyang pake sa akin. Nararamdam ko tuloy ngayon na sobrang ganda ko dahil may stalker ko hehe, Wow! Haba ng hair ni ate Diana haha. Tsaka maganda ako! Basta maganda ako walang makakapigil kahit walang pumipigil haha, wala namang pangit sa Diyos eh.
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystère / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...