LUIS POV:
Alas syete na nang gabi. Naghuhuydat na wala nang estudyante at guro sa paaralan bagkus ang mga guwadiya na lang ang natitira para libutin ang kabuoan ng bawat gusali.
Nasa opisina pa rin ako habang naghahanda ng dadalhin. Nasa kanang beywang ko ang aking calibre 45. Sabik na akong makita ang lider ng EASY na sa aking palagay ay si Lloyd Farn. Ngunit bago ako pumunta sa aming tagpuan ay muli kong chinat si Henry para tanungin kung may alam siya sa imbestigasyon ng kan'yang ama sa pangyayari kagabi. Kagabi na ang pagsabog sa isang sasakyan kung saan nandu'n din si Rocelle.
****
LUIS: HENRY!
HENRY: BAKIT LUIS? MAY IPAPA-SOLVE KA BA? READY AKO D'YAN HAHAHAHA
LUIS: WALA AKONG IPAPA-SOLVE SA'YO
HENRY: WALA!? BAKIT MO AKO CHINA-CHAT?
LUIS: MAY GUSTO LANG AKONG MALAMAN KAGABI
HENRY: TUNGKOL SAAN BA?
LUIS: SA PARKING LOT
HENRY: YUNG SUMABOG NA KOTSE?
LUIS: OO! 'YUN NGA
HENRY: WAIT LANG, ITATANONG KO PA KAY PAPA
LUIS: SIGE! HINTAYIN KO MAMAYA CHAT MO!
HENRY: K
****
Pagkatapos kong i-chat si Henry ay tinawagan ko si Manoy para sunduin ako dito sa school. Kailangan ko ng pumunta sa riddle bar para makipag-face-to-face sa mastermind. 7:21 pm na nang gabi at binabalot na ako ng lamig ng simoy ng hangin sa labas.
Naka-uniporme pa rin ako ngunit sinabihan ko na rin si Manoy na magdala ng damit para sa akin.
Ilang minuto ay lumabas na ako ng opisina habang dala ko ang aking baril. Papunta na ako sa nagyeyelong gate dahil sa lamig nito. Bitbit ko rin ang poker face na nakikita ng rumuronda na guard sa paaralan. Hindi na ako pinansin ng mga guard dahil lagi naman akong nauwi ng gabi o hindi kaya hindi na umuuwi dahil may tagong kwarto sa aking opisina.
Nang nasa labas na ako ay nakikita ko ang kalsada na nababalot ng itim na anino. Mistulang wala nang nadaan dito na sasakyan 'pag ito'y gabi na. Muli kong i-on ang data connection at pumunta sa messager kung nag-chat na si Henry. Sa kabutihang palad ay nakakuha siya ng datos sa pagsabog ng sasakyan sa aming paaralan.
****
HENRY: LUIS! ITO LANG YUNG ALAM KO. NAKITA KO LANG ITO SA DESK NI PAPA, NAKA-FOLDER ITO AT ITO ANG NAKASULAT. ANG SASAKYAN NA 'YON AY CHEVLOT PERO HINDI KO ALAM KUNG ANONG BRAND DAHIL WALA NAMAN NAKALAGAY. YUNG PLATE NUMBER DAW AY 5119 YXX PERO NUNG PINA-CHECK NILA DAW ITO SA LTFRB OFFICE SA QC AY WALA DAW ITO SA RECORD NILA KAYA UNKNOWN ANG MAY-ARI NG SASAKYAN. MERON PANG NAKASULAT DITO NA MAY BANGKAY DAW NA NASAWI. BABAE DAW ITO. PARANG SI ROCELLE YUNG NASA LOOB 'ATA LUIS DAHIL SIYA ANG SUNOD NA TARGET 'DIBA? TAPOS YUNG DAHILAN KUNG BAKIT SUMABOG ANG SASAKYAN DAHIL SA DETONATOR BOMB. IBIG SABIHIN LUIS, SASABOG ANG SASAKYAN KUNG I-ON ANG DETONATOR SO SABI DAW SA RECORD. NANDOON ANG MAY GAWA NGUNIT WALA PA SILANG LEAD DAHIL AKO LANG NAMAN ANG NAKITA NG GUARD AT HINDI KAYO. KAYA NGA NAGTATAKA AKO KUNG SINO ANG NAGPASABOG KUNG TAYO LANG NAMAN ANG NANDOON 'DIBA?
****
Sumakit ang aking ulo sa pinadalang mensahe ni Henry. Nalilito nanaman ako nito. Ang dating jigsaw puzzle na unti lang ang nawawalang pieces ay mas lalong madagdagan at mas lalong lumalaki ang puzzle na 'to. Hindi na 'to laro ng EASY kundi isa na itong karumal-dumal na krimen na kailangan kong nahapin ang may mga gawa.
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Mystery / Thriller#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...