CHAPTER 35: FACE TO FACE ( PART 1: FLASHBACK )

239 4 0
                                    

LUIS POV:

Nasa opisina pa rin ako habang naka-uniporme na. Alam naman ni Mr. Colorless este ni Manoy na hindi ako uuwi kung hindi ako magpapasundo. Syempre alam niya rin ata na may hidden bedroom ako dito sa opisina na matatagpuan sa ilalim, basement.

May lihim na lagusan ito na hindi pa nakikita ng ilan at ang daanan doon ay isang bookselves na nasa kaliwa kong gawi. Katulad din sa mga palabas na napapanood sa sinehan ngunit hindi ito kumplikado dahil wala namang kukunin na libro upang ito'y bumukas bagkus itulak lang. Yeah! Push paligid. Mahirap minsan dahil natutumba ito.

Pasado alas diyes na kaya gusto ko munang kumain sa canteen. Hindi na ako sumabay sa mga estudyante na ang oras ng recess nila ay alas nuwebe at alam kong may umaaligid na paparazzi ng JIA para interview-hin ako ngunit mananatili munang sarado ang aking bibig habang wala pang sagot sa mga may kagagawan ng pagpatay dito sa school na kasama din ang pagdawit ng club na EASY.

Lumabas na ako ng opisina at sinarado ang pinto para walang makapasok upang usisain ang lihim na files doon lalo na yung caliber 45 na nasa isang drawer na ukupado ng desk ko. Nagtataka din ako dahil hindi rin tumatawag o nagte-text ang EASY, himala!. Ngunit hindi ko dapat ikatuwa dahil kahapon ay namatay si Rocelle.

Hindi akong maaaring magkamali dahil kita ng dalawang mata ko tsaka kahit anong mangyari nun at sumabog ang sasakyan, kamatayan pa rin ang abot niya.

Naglakad na ako sa school grounds habang hindi pa nakakapaso ang init. Hindi uso sa akin ang sunblock baka lalo pang mairitate ang aking skin sa hindi natural na tanglay 'nun. Mas maganda pang naproprotektahan ang aking balat sa pagsilong at pagkain ng ikakatulong sa pagpapakutis nito.

Bago ako pumunta sa canteen ay tumingin muna ako sa central hall upang tingnan ang bulletin board na namumutawi ng lumang anunsyo ngunit may isang agaw pansin na papel na kakadikit lamang. Isa iyong article ng JIA tungkol sa nangyari kahapon.

"ISANG KOTSE ANG SUMABOG SA PARKING LOT NG ATING PAARALAN" basa ko sa headline nito. Wala ng kasamang dagdag detalye dahil headline lang naman ang idinikit para mas magkaroon ng interes ang mga estudyante na bumili ng kanilang isang lingguhang school newspaper.

Makikibalita na lang ako kay Henry dahil alam kong kasama ang papa ni Henry sa pag-iimbestiga doon.

Tinungo ko na nga ang canteen habang hangin lang sa paligid ang mga kasabayan ko. Medyo maingay din dahil sa ibang klase ay wala pang napasok na teacher. Naalala ko ulit si Julio "The boy version of Diana" sa kadaldalan. Kamusta na kayo yun? Sana ayos na ang pakiramdam 'nun. Siya lang naman ang tanging nakaligtas sa victim target ng EASY. Hindi pala, si Fred pa na nasa psychologist ko. Sana okay na rin yun.

Kahit papaano ay nabawasan ang problema ko dahil sa mga naka-survive sa panganib na dala ng EASY. Mas pag-iigtingan ko ang pagkikita namin ng leader ng EASY. Gusto nang sabihin lahat sa kan'ya at kahit na kabayaran ang buhay ko sa lahat ng gusto niyang paghihiganti sa akin.

Nang nakapasok na ako sa canteen ay namataan ko si Jasmine na busy pa rin sa kakatrabaho. Siya rin ang taong tumulong sa akin para mas luminaw ang unang pagpatay hanggang sa ikatlong pagpatay ng EASY sa school. Siya ang nag-confess kung sino ba talaga ang pakana pero may kulang pa rin na piyesa upang mabuo ko ang pagkakatagpi-tagpi ng patayan sa school.

Lumakad na ako ng patuwid papunta sa counter kung saan siya nagpapakaabala. Nagulat nga ako dati kung bakit siya nagtratrabaho dito kung nakatira siya sa exclusive subdivision pero sinalaysay niya ito. Nasa poder kasi siya ng tito at tita niya na may apat na anak at tinuring na rin siyang pang-limang anak. Pinapa-aral din siya sa state university kaya nagsumikap siyang mag-working student para masuklian man lang ang tito at tita niya sa pagpapa-aral niya. Ang kan'ya daw kasing suweldo ay ginagamit niya bilang allowance at pang-project din minsan para hindi mahirapan ang nag-aalaga sa kan'ya.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon