CHAPTER 26: MISSING

374 15 0
                                    

LUIS POV:

"Late na tayo, hoy gising" sigaw ni Henry kay Lorenze na tulog na tulog pa.

"Nawawala phone ko, tsaka nasaan tayo?" tanong ko. Para kaming nasa kwarto. Kwartong na maraming kalat.

"Nasa kwarto ko kayo, oh ito yung phone mo" abot sa akin ni Henry ng pinakamamahal kong phone.

"Luis, paano si Lorenze? Hindi na ata nahinga"

"Bahala ka dyan" sabay upo sa kama habang kinakalikot ang phone.

"Wag muna tayong pumasok sa klase, doon muna kayo sa opisina ko, okay lang naman na ma-late tayo" saad ko.

Nahihilo pa ako kahit kahapon pa ako uminom.

"Hoy Henry, bakit ako nahihilo ah? Tsaka may tubig ba dyan, nauuhaw ako"

"Tawag dyan Luis, Hangover. Yan ang nangyayari pagkatapos mong magwalwal"

"Water please"

"Sa ref" sagot niya.

"Hindi nga ako makatayo diba dahil nahihilo ako"

"Ay! Sorry haha" lumabas naman siya ng kwarto para kunin ang pinapakuha ko sa kanya. Hindi naman totally mess yung bedroom niya, marami lang notebook sa sahig. Tinatapon ba niya ang notebook niya? Humihilab naman ang tiyan ko ngayon. Ano bang nangyayari sa akin?

"Ito na ang tubig Luis" bigay sa akin ni Henry ng isang basong malamig na tubig. Pagka-inom ko ay nakaramdam naman ako ng refreshing but mas lalo namang humihilab ang tiyan ko, gusto kong magsuka.

"Nasaan cr mo?" tanong ko agad kay Henry.

"Doon oh!" turo niya sa isang pintuan na may poster ng Detective Quest. Fan pala siya ng fictional character na yan.

Dali-dali akong tumayo at tumakbo doon kahit paligoy-ligoy ang takbo ko. Grabe ang epekto ng rum haha.

Nang nasa pintuan na ako ay agad kong pinihit ang doorknob sabay suka sa sahig ng CR.

"Lakas ng tama mo Luis haha" wika ni Henry na may kasamang tawa din.

Sinuka ko lahat, lahat ng nangyari kahapon. Kahapon na naging malungkot ako at naging masaya din. Lahat ng sinuka ko ay tanda na dapat ko ng kalimutan ang nangyari kahapon.

"Nasaan tayo" unang tanong ni Lorenze, nang nagising na siya.

"Nasa kwarto ko" sagot ni Henry na tila nahihirapan siya sa mga kaibigan niyang 1st time lang nag-ganto.

"Nahuli niyo pala ako haha" nagtaka ako sa sinabi ni Lorenze.

"Anong nahuli?" tanong ko agad.

"Nahuli niyo akong maglaway habang natutulog hehe" akala ko kung ano na eh. Kinabahan ako sa sinabi niya.

"Lasing ka pa ba Lorenze O hindi?" tanong ni Henry sa kanya.

"Hindi na" sagot ni Lorenze na latang lata na.

Binuhusan ko naman ang suka ko sa banyo ni Henry, nakakahiya kung magkakalat pa ako ng suka dito sa bahay niya.

"Inuuhaw ako Henry, may tubig ba kayo?" tanong galing kay Lorenze na halatang nahihilo rin katulad ko.

"Meron syempre, bawat bahay may tubig" saad ko habang pinupunasaan ang bibig ko gamit ang panyo na nasa kaliwang bulsa ko sa bandang puwitan.

"Hindi malamig ah" utos ni Lorenze kay Henry na abala sa pagkuha ng tubig sa kanya.

"Bakit?"

"Gusto ko kasing manatili ang aking magandang boses haha" wika niya, magandang boses daw? Eh hindi naman siya kumakanta? Pero ayos na din hindi malamig ang tubig para di madaling mapaos.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon