CHAPTER 35: FACE TO FACE ( PART 4: MEET-UP )

65 1 0
                                    

LUIS POV:

Tatlo silang may malaki ang pangangatawan pero hindi 'yun basehan para matalo nila ako. I well-trained self-defense and slightly karate attack in Los Angeles in my uncles' gym from my father's side.

Kita ko pa rin ang namumutawing inis sa akin ni Andre. Alam kong bumabawi siya sa akin but pa'no niyang nalaman na pupunta ako sa Riddle Bar? Baka coindence lang.

"Pre, nakabaligtad niyong damit niya hahaha!" bulong ng isang lalaki na nasa kan'yang kanan. Naririnig ko pa rin sila kahit na ibulong pa nila sa tenga ang kanilang sasabihin dahil sa kanilang lakas ng boses.

"Para hindi daw maligaw haha!" ususyo pa ng isang lalaki na nasa kaliwa naman ni Andre.

"Hindi! Hindi 'yan naligaw! Pero pagkatapos natin 'yang bugbugin! Maliligaw na 'yan kahit pa nakabaliktad pa 'yang damit niya" sigang boses ni Andre na kita ko sa kan'yang mata na gusto niya na akong gulpihin ng sagaran. Nakaka-awa lang dahil sila lang naman ang makakatikim ng aking sweet and spicy na suntok.

"Hayts! Puro salita lang naman" cool kong saad habang nakasuot ng poker face na maskara. Ano bang problema nila sa damit ko? Big deal na ba sa kanila 'yon. Ang babaw naman!

"Yabang nito!!!!" aakmang hahakbang sa akin ang isang lalaki na nasa kanan ni Andre pero pinigilan niya ito. Nararamdaman ko ang kanilang galit na mas nagpapalakas sa akin. Gusto ko ng pighati at galit. Palakasin niyo pa ako!

"Mamaya! Mawawala na 'yong yabang nito 'pag nakatikim na hahaha!" sabat ng isa na nasa kaliwa ni Andre. Sarap pag-untigin 'yung kasama ni Andre! Mga daldalero!

"Tupi 'to! Kaya easy-han niyo lang!" Andre aniya habang pinapatunog niya ang kan'yang leeg sa pamamagitan ng ikot ng kan'yang ulo magmula sa kanan at papuntang kaliwa. Mga mayayabang lang sa salita, wala naman sa totoong laban.

"Pake ko kung tupiin mo ako! Gusto mo pa buhulin ko pa kayong tatlo" sabi ko na may kasamang pag-ngisi para mas lalong mainis siya sa akin at mas lalo akong lumalakas sa kanilang pikuning aura.

"Simulan mo ng magdasal iho!" sigaw ng isa na nasa kaliwa lang ng aking napatumba dati sa kantina. Halatang galit na sila sa aking pagsasabat. Yan! Mainis lang kayo! D'yan ako lalakas hahaha!

"Baka simulan niyo nang umatake dahil lady's first nga 'diba? Hahahaha!" mas lalo ko silang iniinis para lalo ko silang mapasa-ilalim ng aking misteryosong kapangyarihan hahaha.

"Lady's first mo mukha mo!!!" unang umatake ang lalaking nasa kanan ng aking kaaway ko talaga.

He throws an uppercut in my body up to my face but I already noticed that because of his primary action. Gumilid ako para hindi matamaan ng kan'yang suntok na papataas.

Ang nakikita ko ay parang naging slowmotion at napapansin kong nagulat siya sa bilis ko. Dahil nga sa aking secret technique ay kaya ko silang unahan sa kanilang walang kwenta at pambatang atake.

Ang lalaki na malapit na akong matamaan sa kan'yang suntok ay agad kong sinipa paligid habang target ko ang kan'yang buto sa kan'yang p'wetan para hindi siya makatayo ng maayos at sunod kong sinipa ang pinakamahaba niyang buto sa katawan na matatagpuan sa binti na ang pangalan ay femur. Halos napahiga siya sa aking pagsipa dahil tinarget ko rin ang likod ng kan'yang binti na may ugat kaya sa aking palagay ay hindi na siya pwedeng makatayo pa. Knockdown na ang isa hahahaha! 2 left na lang. Mas lalo akong nagiging masaya sa tagpong ito. Mga walang kwentang kalaban! Mga hindi kailangan ng Earth na dapat itapon sa Black hole.

Sumunggab naman ang isa pang lalaki na nasa kaliwa ni Andre. Akma itong magfla-flying kick dahil sa kan'yang maling postura. Tumakbo ito ng mabilis ngunit kita ko pa rin sa aking mata ay ang pagbagal niyang kilos. Effective talaga 'yung technique ko!

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon