CHAPTER 36: CONFRONTATION

192 5 9
                                    

LUIS POV:

Tinungo ko na ang kan'yang kinalulugaran. Halatang wala siyang kasama kaya makakasiguro akong magagamit ko ang aking baril sa iisang tao lamang.

Lumakad na ako paharap sa kan'ya habang siya'y nahihimbing sa pagtulog. Wala rin akong pakialam kung isa itong patibong dahil meron naman akong panlaban sa kan'ya.

Habang nag-iba ang salik ng tutog ay ganun din ang salik ko sa aking paglakad. Unti-unti akong napatingkayad para hindi niya malaman na may taong papunta sa kan'ya. Nang maabot ko ang kan'yang table ay umupo ako sa malambot na upuan kung saan ganu'n din ang kan'yang upuan. Square sofa ang style ng table kaya mukhang magara at mahal.

Lumapit ako sa kan'ya habang nilipat ko na ang aking baril sa aking beywang. Alam kong delikado ako dito pero marami namang tao kaya kung sakaling papatayin niya ako ay maraming makakita sa kan'ya.

Ilang saglit ay katabi ko na siya. Pwenesto ko na rin ang baril sa kan'yang tiyan gamit ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ko naman ay naka-akbay sa kan'ya.

"Huh?" bigla siyang naalimpungatan kaya ginawa ko na ang aking plano. Binaon ko ang bunganuga ng baril sa kan'yang tiyan at nginitian ko siya ng sayad na sa kapekehan.

"Long time no see Lloyd Farn"

Bigla siyang lumingon sa akin at napuno ang kan'yang mukha ng pangamba. Bakit mas mukha pa siyang takot kesa sa akin?

"Pr...." hindi niya na tinapos ang kan'yang sasabihin dahil mas lalo kong binaon ko ang baril sa kan'yang tiyan.

"Sabihin mo! Ikaw ba ang leader ng EASY?" diritsahan kong tanong sa kan'ya habang tinitigan ko siya ng masama.

"Hindi ako!"

"Wag mo akong lokohin! Ikaw lang naman ang may gawa lahat! Sabihin mo habang hindi pa kita tinatapos"

"Hindi ako President!"

"Puta naman oh! Hindi ka pa aamin eh ikaw lang naman ang may kagagawan ng lahat 'diba?"

"Please Luis! Let me explain"

"Wala ka na dapat ikakatwiran dahil tatapusin na kita" puno na ng galit ang aking kaibuturan. Parang kinain na ako ng galit at hinding hindi na makakalabas pa. Ramdam ko na rin ang gatilyo ng baril na mas kumukuskus sa aking darili at sa isang kalabit lang ay may mawawalan ng buhay.

"Hindi ako! Sinet-up lang nila ako! Blackmail!"

Bigla kong nabitawan ang baril sa sinabi niya. Totoo bang blinackmail siya? Totoo bang hindi siya ang leader ng EASY? Kung hindi siya, sino? Nanunuod ba siya sa tagpong ito? Pinaglalaruan ba niya ako?

"Kung hindi ka ang suspek....sino?" tanong ko sa kan'ya habang nililingon ang paligid kung saan wala namang taong nakatingin sa aming dalawa.

"Hindi ko sila kilala, naka-maskara sila"

"Nagsasabi ka ba ng totoo!?"

"Oo Luis!"

"Sa presento ka ng pulis magpaliwanag" saad ko habang kaagad kinuha sa lapag ang baril.

"Kung yan ang ikinalilinis ng aking pangalan, sasama ako"

Tumayo na kami habang nakaakbay ako sa kan'ya kaya kung sakaling tumakas siya ay agad kong maabot ang kan'yang batok. Mabilis ang transition namin papalabas.

Nang nasa labas kami ay nakaabang ang kotse namin. Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay agad kong tinago ang baril sa aking beywang.

Pinasok ko na siya sa loob habang wala siyang kibo at si Manoy naman ay tameme rin sa aking kasama. Hindi siya makapaniwala na nahanap ko na ang most wanted ng Malabon.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon