CHAPTER 9: PROGRAM

801 45 0
                                    

LUIS POV:

Habang tinutungo namin ni Henry ang gymnasium ay naalala ko ang message na iniwan sa akin ng leader ng EASY. Pinaglalaruan niya ba ako?, bakit ba siya pumapatay ng mga inosenteng tao para magpasikat?, trip niya lang ba?

"Luis! Hindi dyan yung gymnasium" bumalik ako sa katinuan yung tinawag ako ni Henry. Papunta pala ako sa lumang library, nasa kaliwa pala yung gymnasium.

"Ano bang iniisip mo?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

"Si Diana ba yan? Hahahaha"

"Crazy! Iniisip ko kung sino ang leader ng EASY"

"Wag mo na yang isipin!" napasigaw si Henry. Bakit mukha siyang galit? Ano bang meron sa leader ng EASY kaya galit siya?

"Bakit ka galit? May tinatago ka ba?" tanong ko sa kanya ng masinsinan. Hindi siya makatingin sa akin ng harapan, ngayong araw ko lang siyang nakitang kakaiba.

"Wala lang to' Luis" nagtataka ako sa kinikilos niya.

Nang nakarating kami sa gymnasium ay nandoon na ang mga lahat ng SSC, mga teacher at mga CAT. Wala pa ang mga estudyante, siguro mamaya pa mage-start.

"Luis!" tawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang tumawag ng pangalan ko.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Fred Gregorio na isang mahak na President ng CAT.

"Hectic Schedule" sagot ko sa kanya.

"Hoy Luis! Ready ka na sa message mo?" umalis na si Fred dahil sa gurong ito. Masyadong pa-epal.

"Always ready, and don't call me 'hoy' okay?"

"Bakit naman? Wala ka bang galang sa matanda?" sabay irap niya.

"Oh! Are you sure? Matanda ka?"

"Oo naman, ikaw bata gumalang ka sa mga nakakatanda sa iyo"

"Okay grandma, Goodbye" sambit ko sa harapan niya sabay walk out para pumunta sa stage. Sabi niya sa akin, matanda na siya, kaya tinawag ko siyang grandma.

"Hoy Luis! Bawiin mo sinabi mo" pahabol na wika ni Ma'am Polonium.

"N – E – V – E – R, NEVER!"

Ilang oras ay pinalabas na ang mga estudyante, nakapila sila ng maayos na animo'y mga grade 1 habang nagku-kwentuhan. Childish mode.

"Luis, bakit hindi ka pumunta sa meeting kagabi?" bulong na tanong ni Julio na nasa kaliwa ko.

"Oo nga" singit ni Rocelle na nasa kaliwa naman ni Julio, nasa pinakadulo ako ng kanang upuan.

"I investigate the case of John Paul Reyes"

"Diba suicide daw yon?"

"No, It's have a foul play in canteen happening the case of John Paul Reyes"

"Paano naman nasabing may naganap na foul play? Eh sabi nga ng police, isa iyong suicide" singit ni Rocelle.

"Una, kung magpapakamatay siya, ano ang dahilan? Pangalawa, may nakita akong papel sa bulsa niya"

"Anong meron sa papel na nasa bulsa niya?" curious na tanong ni Julio.

"Ang nakasulat ay 1st victim ng EASY"

"EASY?"

"Evil Club ang ibig sabihin"

"What? Pinirmahan mo ba ang club regestration nila?"

"Hindi ko sila in-accept, EASY is illegal club in our school, so wala ako sa meeting kagabi, okay?"

"Sama ako sa pagi-imbestiga, I like a become detective hehe" request ni Rocelle.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon