CHAPTER 40: SEARCH AND RESCUE ( PART 1: FIND THE HIDDEN PLACE )

96 3 0
                                    

LUIS POV:

Sumakay agad kami sa sasakyan at pinaharurot na 'to ni Manoy. Bago makalabas ng parking lot sa hospital ay bigla tumingin sa amin si Manoy at nagpakita ng k'westiyonableng mukha.

"Sa'n tayo pupunta?" kunot-noo nitong tanong na may halong pangangamba na rin.

"Sa Plaza, Manoy. Bilisan mo na!" utos ko sa kan'ya habang ang kamay ko ay nanginginig sa hindi malamang dahilan. Sa kaba ba 'to para kay Diana o sa pagsasagip namin sa kan'ya? Hindi ko alam, nalilito na 'ko! Litong-lito na 'ko!

"Lorenze, sa'ng plaza ang nasa code?" tanong naman ni Henry na nasa gitna namin ni Lorenze. Mabuti'y nagkasya naman kami dito, hindi na ako nakaupo sa tabi ni Manoy dahil sa pag-alala kay Diana. Gusto ko na siyang masagip sa kamay ng demonyong EASY na 'yon.

"Ah... wala akong alam, eh." sagot nito ng makasimangot habang inaayos ang lente ng kan'yang salamin.

"Bullsh*t naman! F*ck!" mapamura na lang ako dahil sa sagot nila. "Manoy, Let's search all of plazas in Malabon. Alam kong malapit lang sila."

"Sige, Luis. magwe-waze na lang ako para mabilis." sagot niya at agad inusad na ang sasakyan sa kalye.

"Basta kahit saan!" inis ko at napatingin na lang ako sa labas. Sana mahanap na kita Diana. Gusto kitang makita't mahagkan, parang hindi kompleto ang isang araw ko, 'pag hindi kita makikita. At kapag nakita ko ang dumakip sa'yo, papatayin ko sila. Agad kong pinatunog ang buto sa aking kamao dahil sa galit na rin sa mga taong nasa likod ng sunod-sunod na patayan sa aming paaralan.

Una naming pinuntahan ang Malabon City Memorial Park. Marami ring tao dito kaya mahihirapan kaming maghanap dito lalo na't pagabi na rin. Buti'y may lampost din na nagsisilbing ilaw kaya hindi kami mawawala sa hangganang dilim.

"Magkita-kita tayo dito," at tinapik ko ang sasakyan na aming sinakyan papunta dito. "Henry, do'n ka sa direksyon na 'yon," tinuro ang bandang kanang parte ng park.

"Sige, Luis." nauna na siyang maglakad.

"Ikaw naman, Lorenze, do'n ka sa kabila," gumayak naman siya papuntang kaliwang parte. "Manoy, dito ka na lang. Ako na maghahanap sa gitna ng park na 'to." agad naman siyang tumango kaya tumakbo na agad ako papunta sa direksyong aking sinabi.

Nasa'n ka na Diana, sana ayos ka na lang. Nandito lang ako, hindi kita papabayaan.

Inikot-ikot ko ang aking mata sa kabuoang park na 'to at wala akong nakitang Diana. Sa'n ba nila dinala si Diana. Sh*t!

Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na ako sa sasakyan para hintayin ang iba.

"Kamusta, Luis. Nahanap niyo na ba 'yong membro mong babae?" tanong sa 'kin ni Manoy na may hawak na malaking chichirya habang kinakain niya ang laman na 'yon.

"Negative!" sagot ko kasabay ang mabigat na buntong-hininga. Napansandal na lang ako sa kotse at hinihintay ang iba, kung sakaling may balita na sila o may nakita.

Ilang saglit ay naunang nakabalik si Henry habang may bitbit na cottoncandy. Kumakain siya papunta sa aming direksyon, sana naman ay may nakita siya pero sa gan'yan niyang lagay, parang pagkain lang ang nahanap niya kaysa sa aming totoong hinahanap.

"May nahanap ka?" tanong sa kan'ya ni Manoy at agad akong sumagot.

"Hula ko... wala, Am I right, Henry?"

"Hala! Ang galing mo manghula, Luis, ah!" sabi na nga ba. Ano pa ba i-e-expect ko?

"Hayts! Nasa'n na si Lorenze? Nakita mo ba siya?" tanong ko sa lalaking takam na takam pa rin sa kan'yang kinakain.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon