CHAPTER 40: SEARCH AND RESCUE ( PART 3: CUT IT OR LEAVE IT )

140 4 0
                                    

LUIS POV:

"So, anong gagawin natin Henry, wala akong alam sa ganitong bagay." tukoy ko sa bombang nakakabit sa walang malay na si Diana.

"Tatawag muna ako ng responde," singit ni Lorenze bago siya tumayo. "D'yan muna kayo, ah."

"Wag munang tawagan 'yong pulis." mahinang salita ni Henry habang sinusuri ang bomba. Ano bang nangyari dito kay Henry? Nasisiraan ba siya ng bait? Gusto niya bang mamatay si Diana sa pesteng bomba na kinabit ng EASY?

"Bakit naman, Homes? Kung hindi tayo tatawag ng bomb squad ay sasabog ang restaurant na 'to kasama na rin tayo." aniya.

"Ano bang gusto mong mangyari Henry? Mamatay tayo!?" sabat ko sa kan'ya pero isang ngisi lang ang binigay niya sa 'kin bago siya tumayo at nagsalita.

"Kung tatawag tayo ng bomb squad ay tatagal 'yon ng kalahating oras dahil gabi na rin at kung hihingi tayo ng tulong ay nagpapanic ang mga nasa loob ng restaurant," bago niya tinuloy ang kan'yang sasabihin ay i-lock niya ang pinto ng restroom para walang makakita na sibilyan. "Sanay na 'ko sa ganitong sitwasyon kaya magtiwala kayo sa 'kin."

"Anong gagawin mo Henry?" tanong sa kan'ya ni Lorenze na nakasandal sa faucet habang inaayos ang lente ng kan'yang salamin.

"Kailangan nating putulin ang wire na nakakabit sa bomba para huminto ang timer at hindi na 'to sumabog."

"What if kung magkamali ka, Henry?" sabat ko sa kan'ya at agad niya akong tinitigan ng malalalim niyang bilog na mata.

"Sabi ko nga kanina na sanay ako sa ganitong bagay kaya wala kang dapat ipagalala, Luis."

"Anong gagamitin mo para maputol mo 'yong wire? Eh, wala naman tayong cutter." aniya ng isa.

"We need improvise cutter," pahayag niya at lumapit sa 'min. "Ngunit kahit wag na dahil may dala akong makakatulong sa 'tin." napataas ang aming kilay ni Lorenze sa sinasabi ng isa kong membro.

Tinaas niya ang isang maliit na bagay bago niya pinakita sa 'min ng harapan ang bagay na 'yon. Sa unang tingin ay parang walang kwenta ito pero no'ng sinabi niya na isa itong "Pocket Knife" ay bigla akong namangha at the same time ay nagtaka dahil...

"Bakit may dala kang gan'yan?" tanong ko bago niya nilabas ang matulis na kutsilyo sa isang maliit na lalagyan.

"For protection, sabi ni papa." lumapit siya kay Diana at sinuri ang bomba na nakakabit dito.

"Wait lang!" pagpapahinto ni Lorenze sa kan'ya at lumapit sa biktimang may bomba. "Hindi natin alam kung saan ang uunahin."

"Pero sanay na 'ko kaya alam ko na 'to, p're." proud na salita ni Henry at sinusuri pa rin ang bomba.

"Malay mo Homes ay mag-text o tumawag ang EASY para malaman natin kung ano ang uunahin nating putulin na wire sa pamamagitan ng code." may punto naman si Lorenze.

"Maniniwala ka pa ba sa EASY. Eh sila nga ang may kasalanan kung nangyayari 'to diba? Tsaka wala na tayong oras Lorenze. Tumatakbo bawat segundo kaya kailangan kong na-defuse 'to."

"May alternatibo pa bang paraan." sabat ko sa kanila habang naka-upo na lang sa lapag ng restroom na 'to.

"Wala na dahil hindi gagana ang isang paraan. Ang paraan na 'yon ay ide-defuse ang bomba sa pamamagitan ng pagbomba dito para hindi matuloy ang explosion phase nito. Gagana lang 'to sa mga bomba na nakalagay sa bag at hindi sa mga tao," pagpapaliwanag niya sa 'kin ngunit tinuloy niya pa 'to. "Meron pa palang isang paraan."

"Ano?" sabay naming tanong ni Lorenze.

"Cut it or leave it. Meron na lang tayong 20 minutes." paalala niya sa 'kin.

Detective Intelligent Club ( DIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon