LUIS POV:
Nang nasa C.A.T office kami ni Henry ay hinanap agad namin si Fred. Yung vice president kasi nila ang nagbabantay ngayon ng opisina nila na ang pangalan ay Cronor Lañez.
"Nasaan ba si Fred?" tanong kay Lañez na nakaupo sa isang kulay puting monobloc.
"Nasa Krypton Bldg. Room #210" saad ni Diana na nasa likuran ko lamang.
"Oh! Ano daw nangyari kay Diana?" tanong ni Henry kay Lorenze.
"Wala namang masyadong sakit ang pagbagsak ni Diana kanina, kaya nga lang, may unti siyang galos sa braso dahil sa paggasgas sa sahig" tungon ni Lorenze sa tanong ni Henry.
"Hayaan mo Diana, ipapa-consult kita sa doctor ko, But paano mo naman nalaman ang Room number ni Fred?"
"Magkaklase kasi kami" sagot niya.
"Tsaka wag mo na akong ipa-kunsulta sa doctor mo dahil malayo ito sa bituka. Ang gusto ko lang ay mag-usap tayo ng private pagkatapos nito!" dugtong niya.
"Patay tayo kay Commander niyan" bulong sa tainga ni Henry sa akin. Siniko ko siya sa kanyang kalamnan para tumigil sa pang-aasar sa akin. Ewan ko nga dito, kung alam niya ba na may connection kami ni Diana nung bata kami.
"Lorenze and Henry, sunduin niyo si Fred sa sinabing address ni Diana dahil baka siya ang 2nd victim" utos ko sa dalawang lalaki na membro ko.
"Ah!? Si Fred ang 2nd victim!?" gulat na reaksyon ni Diana.
"Baka nga diba, hindi pa sigurado"
"Masarap kaya yong BAKA, lalo na kung bulalo" pahabol na wika ni Henry. Patawa talagang lalaking iyon. Napatawa niya pa si Diana kahit nagulat ito lalo na si Cronor na nagbabasa ng libro ng Physics sa tabi.
Nang makalayo na ang dalawang lalaking inutusan ko ay nakipag-usap ako kay Diana. Pinaalis ko din syempre si Cronor para private talaga.
"Ano bang gusto mong pag-usapan natin Diana?" tanong ko agad sa kanya.
"May alam na akong connection sayo" saad niya sa akin habang nakaupo siya sa upuan at ako naman ay nakatayo. Ang hirap maging lalaki, dapat palagi kang gentleman.
"Ano naman?"
"Parehas na Scientist ang magulang natin"
"So......?"
"Anong so?"
"May connection ka sa pamilya ko, kaya kilala mo si papa"
"Yes, may point ka but kilala ko papa hindi dahil sa personal background kundi nakilala ko siya dahil siya lang naman ang nagbigay ng scientific name ng wild life animals na mahirap matagpuan sa amazon. So dahil doon ay nakilala ang papa mo. And last, your father is chess legend nakalagay pa sa chess book ni kuya. So hindi mo maitatangi na kilala ko ang papa mo dahil dating royal family name ang surname niyo ngayon. Kaya hindi pa dumadami ang lahi niyo, kaya kung may naririnig akong Shulz na apelyido at kung may Shulz din akong kakilala, pustahan may connection kayo dahil hindi pa dumadami ang pamilyang Shulz"
Nakatikom na lang ang bibig niya sa sinabi ko. paano ba naman, ang haba ng paliwanag ko tapos lagi pa siyang tanong ng tanong. Hindi naman ako candidate ng isang pagent 'no? Hindi rin ako google na laging hinahanapan ng sagot.
Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko. Hudyat na may nag-text, at unknown number pa. Siguro sa leader ng EASY nanaman ito. Binasa ko ang message at nakonpirma ko na pakana ito ng leader ng EASY.
****
The time has end
Sorry your 2nd victim is dead
BINABASA MO ANG
Detective Intelligent Club ( DIC )
Misterio / Suspenso#1- Detective ( 05-25-19) Isang club na may mithiing sagutin ang misteryong bumabalot sa kanilang paaralan. Pinamumunuan ito ng SSC President na si Luis Huiloz. Hinahanap nila ang suspek sa bawat kaso na kanilang nahahawakan. Mga case na ginawa ng E...