Child's Game

53 8 0
                                    

Chapter 50:
Yanna's POV...

"Please, tama na Bessy Ashley."
Kahit tinakpan ko pa yung magkabilang tenga ko ay naririnig ko pa rin ang malakas na tawa niya.

"Wala akong naririnig gahshhshagf."
Sinabayan ko siya sa pagsasalita.

"Paano na ulit kahapon dun sa cafeteria?"
Waah. Kanina niya pa inuulit yan.

Ayoko nang maalala. Grabe, sobrang nakakahiya.

"Teka lang Bessy. Ang sakit ng tiyan ko. Natatae ako."
Panggagaya niya sa akin kahapon. Bakit ba eh, nalbm nga ako.

Kung mapang-asar 'to parang hindi tinatawag ng kalikasan.

"Buwahhahaha, tas kumaripas ka pa ng takbo."
Malakas na tawa niya habang hawak- hawak pa ang tiyan.

Mabuti nalang wala pa masyadong estudyante dito sa room.

"Grabe yung utot mo parang teargas, nakakamatay!"
Hindi ba talaga siya titigil. Napakabait niya talagang kaibigan.

"Oo na. Huwag mo na akong asarin."
Angil ko kay Bessy Ashley. Nagsidatingan na rin kasi sa room yung mga kaklase namin.

"Kaya pala ang tipid ng sagot mo sa akin kahapon hahaha. Dapat kasi sinabi mo kaagad sa akin, meron naman akong dalang diatabs. Paano nalang kung dun ka mismo nagbawas?"
Tuloy-tuloy pa ring sabi niya kaya napatingin sa akin yung iba kong classmate.

"Bessy!"
Madiin na sigaw ko sabay tingin ng masama sa kaniya.

'Huwag ka nang magsalita, papahiya mo pa ako dito.'

"Oo na. Titigil na ako. Tungkol kay Dylan, buti hindi ka naiilang na magkatabi kayong dalawa?"
Pag-iiba niya sa usapan namin.

Speaking of him. Wala pa siya dito, nalate siya ganun? Ayy, wala na pala akong pakialam sa kaniya.

"Hindi naman. Tsaka pakialam ko naman sa kaniya."
Pagtanggi ko. Medyo nasasanay na nga akong hindi siya kausapin.

Tas kahit na magkatabi kami, never ko na siyang tinapunan ng tingin.

Kaya okay na ako.

"Kahit na magkabalikan pa sila ni Alendra diyan."
Nagpanting ang magkabila kong tenga nang marinig iyon.

Weeh! Baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig.

"Sila na ulit."
Sambit na ulit kaya naman natahimik ako ng ilang sandali.

T-teka? Sila na ulit? Si Alendra tas Dylan?

"Nice joke, Bessy. Muntik na akong maniwala sayo haha."
Pilit na tawang tugon ko pero nanatili pa ring seryoso ang mukha niya.

"Inannounce nila kahapon sa cafeteria. Hindi mo na naabutan kasi nga umalis ka kaagad."
Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig iyon.

"O-okay."
Biglang nanuyo ang lalamunan ko nang sabihin iyon.

Kainis kahit na ilang ulit ko pang sabihin na wala na akong pakialam sa kaniya. Hindi ko pa rin mapigilang masaktan.

"Oh ba't parang naiiyak ka diyan."
Shems. Anong parang... Naiiyak talaga ako.

"Hindi noh. Edi magsama silang dalawa."
Mabilis na tanggi ko kay Bessy.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon