Crumpled Paper

54 9 1
                                    

Chapter 49:
Yanna's POV...

Kasalukuyan kaming naglalakad nina Bessy Ashley at Kyle papunta sa cafeteria.

Sa totoo lang, gusto kong malaman kung tungkol saan yung shocking announcement ni Alendra.

Sasabihin niya ba lilipat na siya sa ibang school kasi hindi niya matagalan ang kagandahan ko. Etchos!

O kaya naman. Narealize niya na hindi niya talaga gusto si Dylan at mawawala na siya sa landas ko.

Luh? Azanezzz na naman.

"Stop it."
Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Magmomove on na nga diba? Ang kulit.

"Yanna, alam mo ba na pinag-ayos kami ng test paper ni Ma'am."
Pagsisimulang chika niya Bessy Ashley sa akin.

"Tapos?"
Walang ganang tanong ko. Edi, siya na yung favorite ng teacher hmp.

"Kasi gan'to yan na-curious kasi kung ano yung dalawang question na wrong mo kaya medyo sinilip ko yung mga name para hanapin yung sayo."
Mahabang kwento niya sabay kapit niya sa braso ko.

"Pero nawawala yung first page ng test paper mo."
Nag-pause pa siya ng unti na parang hinihintay ang sagot.

"Okay."
Maikling tugon.

Napahawak naman ako sa braso ko bigla niya itong hampasin.

"Aray! Bessy, ang bayolente mo naman. Mapanakit, ganun?"
Nakasimangot na daing ko.

"Anong okay ka diyan? Ayaw mo bang ipa-double check yung paper. Malay mo dinaya ni Ma'am yung checking sayo."
Bigla akong naistress sa sinabi ni Bessy.

Hindi ko ma-pinpoint seryoso ba siya o nangti-trip lang.

"Pffttt.... pinagbibintangan mo talaga yung adviser natin hahahha. Isumbong kita kay ma'am eh."
Natawa nalang ako sa kaniya.

"Ito naman parang nagsu-suggest lang."
She nudge my side while giving me a smile.

"Kasi nasa last page yung isang wrong pero hindi ko mahanap yung isa."
Pangungulit pa niya na parang ayaw bitawan yung topic.

Hays, wala lang siyang machikang bago sa akin eh. Kaya kung ano anong speculation ang pumapasok sa utak niya.

"Baka kasi nasa first page yung pangalawang wrong ko."
Pagrarason ko para i-drop niya na yung topic na yan.

"Alam mo move on na tayo diyan. Nakakapagod umasa. Ayoko na."
Seryosong pag-amin ko kaya tinanguan nalang niya ako.

Tas kung mali talaga yung sagot ko sa unang page, edi iyak na naman.

Eksaktong nakarating na kami sa cafeteria.

Dylan's POV...

"Alam ba babe nagtatampo pa rin ako sayo kasi naman iniwan mo ako sa date natin."
Umiwas ako nang unti unang magkaroon kami ng sapat na distansya.

"So babe kailan yung second date natin? Pangbawi mo sa akin para mawala na yung tampo ko sayo."
Nakangiting tanong niya sa akin na siya namang ikinakunot ng noo ko.

"There's no second date."
I answer in a flat tone.

That's it. I don't want to date anyone. Napilitan lang naman akong i-date siya pero ayoko nang ulitin yun. It is so tiring and pointless.

"P-pero..."
Bakas sa mukha niya ang disappointment. But I don't care.

"Just eat your damn food already."
Why do I always find myself surrounded with annoying woman?

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon