Best Day Ever!!!

167 9 0
                                    

Chapter 8:
Yanna's POV

Kanina ko pa gustong magsalita dito pero sa tuwing susubukan kong ibuka ang bibig ko ay agad akong nakakatanggap ng matalim na tingin na galing sa isang suplado at laging nakasimangot na si Dylan.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang di pa bumubukas yung pinto ng elevator.

Bigla ko tuloy naalala yung favor na dapat niyang ibigay dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin sa park.

Oo na, di ako yung taong madaling makaget over.

*smirk*

Wala naman kaming pasok kaya ngayon ko nalang iyon isasagawa, gusto niyong malaman kung ano yun?

*absently laugh*

Kailangan niyang ibigay ang buong maghapon niya sa akin.

Sa madaling salita buong maghapon ko siyang kasama, bwahahaha.

"What are you laughing at?"
Irita paring tanong niya saka ako tinignan, umiling lang ako habang nakangiti pa rin ng malapad.

Nakita ko ang pag-irap niya at mahinang pagbulong ng "tssk, annoying crazy creature" saka agad na lumabas ng elevator nang bumukas ito.

"Sandali lang Dylan!!!"
Sigaw ko at patakbo siyang sinundan.

Di ko na pinansin ang pagtataka mga istudyante habang nakatingin sa amin.

Siguro dahil magkasama kami, hihihi o kaya naman dahil lumabas ako sa pang-VIP elevator.

"Dylan, hintayin mo ako!!!"
Sigaw ko ulit pero di man lang siya tumigil sa paglalakad at tila ba di manlang niya narinig ang sigaw ko.

"Teka lang, may sasabihin pa ako!!!"
Sigaw ko ulit at kumaripas ng takbo nang makita kong nasa tapat na siya ng kotse niya.

Nang akmang bubuksan niya ang pintuan ng kotse niya ay agad ko siyang hinablot paharap sa akin.

"What?!"
Inis niyang tanong saka binawi ang braso niya habang ako naman ay habol hiningang nakatitig sa kaniya.

Tagaktak na yung pawis ko dahil sa katatakbo ma-reach lang siya, char lang.

"Dy-Dylan, ka-kailangan mo pang bu-bumawi sa-sa akin."
Hingal na hingal kong sabi at unti-unting nagsalubong ang kilay niya nang marinig iyon.

"For what?"
Tila hindi interasadong tanong ulit niya sa akin.

Aba, patay malisya lang siya ngayon ah. Bigla tuloy akong nainis, dahil doon.

"Iniwan mo ako sa park nung Sabado!"
Inis kong angil sabay duro sa kaniya.

Sumandal lang siya sa kotse niya saka ako bigyan ng nakababagot na tingin.

"Its not that big deal."
Kibit balikat niyang sagot saka muli akong tinalikudan at binuksan ang kotse niya.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon