On and Off Signals

81 14 3
                                    

Chapter 36:
Keith's POV

"Keith nagsuntukan daw sina Dylan at Kyle."
Napatigil ako sa pagsusulat ng ipaalam iyon ng katabi ko.

Palihim niyang binuksan ang phone niya. Siya lang naman ang isa sa mga estudyanteng may malakas ng loob na gumamit ng phone sa kalagitnaan ng klase.

Seriously, na naman? Hindi na bago ang sigalot sa pagitan nina Kyle at Siege.

Pero dito talaga sa school?

"Kanino mo nalaman?"
Buntong hiningang tanong ko habang diretsyo pa rin ang tingin sa pisara.

Sa Friday na ang second period examination. Hays, hindi magandang timing na magpakita ka ng misconduct behavior.

Ano bang iniisip mo, Siege?

"Chinat sa akin ni Jerome."
Mabilis akong lumingon sa pinakadulong parte ng room.

Nagkatinginan kami ni Jerome at kinawayan pa ako ng gago.

"Ulol."
Mahinang bulong ko sa kaniya at nakita ko naman na nag-type na naman siya sa phone niya.

Kasabay nun ang pagkalabit sa akin ng katabi ko.

"Ito pa oh! Nasa principal's office daw sila ngayon. Tas nasa infirmary naman si Yanna—pffftt."
Pagchichismis ulit niya at nagpigil pa siya ng tawa sa dulo.

Eh? Infirmary? Si Yanna?

"What!"
Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko nang hindi sadyang mailakas ang tinig ko.

Binigyan kami ng 'warning look' ng teacher namin.

Nag-peace sign nalang ako habang nakangiti.

"What happened? Bakit nadamay diyan si Yanna?"
Mahinang bulong ko pero nagkibit-balikat siya bago ulit nagsalita.

"Ang chat lang ni Jerome sa akin, knock out daw si Yanna eh. Nasuntok ata siya ni Dylan."
Nagpakunot noo nalang ako.

"Ma'am may I go out? It's urgent."
Pagrarason ko. Agad ko namang kinuha ang bag ko at lumabas na ng room.

What the hell, Siege!

Of course I know a bit of his habit. Like trying to release his frustration to Kyle.

Pero pati ba naman si Yanna idadamay niya?

[Principal's Office]

Itinaas ko ang kamay ko upang kumatok nang bigla itong bumukas.

Muntik pa kaming magkabungguan ni Kyle, mabuti nalang nakaatras ako kaagad.

"Oh! Hello, Kyle."
Kinawayan ko pa siya habang nakangiti. Mukhang hindi naman masyadong malala yung pinsala niya. Hindi tulad nung dati.

"Keith, pagsabihan mo 'yang pinsan mo."
Parang nagtitimping usal niya saka ako iniwan.

Napailing nalang ako at pumasok na rin sa office.

Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng Principal.

Mukhang pinapagalitan siya ni ate Dennise pero wala lang siyang imik.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon