Assuming

53 6 1
                                    

Chapter 45:
Yanna's POV...

"Ano ba! Bitiwan mo ako! Sisigaw talaga ako dito!"
Pagbababanta ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko.

"Why are you stalking me?"
Napaiwas ako ng tingin dahil sa tanong niyang iyon.

"S—Stalking? Hello? Mall kaya 'to... Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito."
Pagdadahilan ko. Kaasar naman, nahuli agad ako. Hmp, di bale... Sa susunod mas pagbubutihan ko pa.

"Tssk! Anong ginagawa mo sa restaurant kanina?"
Ops! Napakagat labi nalang ako para mag-isip ng panibagong alibi.

Shems, hindi naman niya siguro ako ima-masacre dito. Asan na ba yung mga tao?

"N—natural kumain ako doon alangan namang magparty-party ako dun."
Hays, ang lamya ng palusot ko.

"Kumain ka sa ilalim ng lamesa. Ano ka aso?"
Napangiwi ako dahil dun. Ako aso? Sa cute kong 'to!

"Pakialam mo ba! Eh trip ko ngang kumain sa ilalim ng lamesa! May reklamo ka ba dun. Tssk! Ikaw nga, nagawa mo pang makipagdate matapos—"
Matapos niya akong halikan. Wow, ha! Dapat ako yung i-date niya! Bakit si Alendra pa.

Ang sakit-sakit kaya nun sa puso.

"After what?!"
Mas lalo akong sumimangot sa pabalang niyang saad.

Tssk! Amnesia boy...

Sapukin kita diyan eh. Nakakapanggigil.

"Bakit mo ako hinalikan kanina?!"
Naiinis na sagot ko sa kaniya. Siya naman ngayon ang hindi makasagot.

"Oh! Ano! Sagot!"
Shems... Para akong warfreak girlfriend. Kahit na. Hmp!

Medyo lumuwag ang pagkakahawak niya kaya naman walang kahirap hirap kong binawi ang braso ko.

"Tssk! Kailangan bang may rason para gawin yun?"
Tila naiiritang tugon niya sa akin. Ang galing niya talagang sumagot ng tanong. Direct to the point. Grabe, lodi!

Hindi ko ma-pinpoint kung sinasarkastiko lang niya ako o kung ayaw niya talaga akong sagutin.

"S—So kahit na sinong babae hahalikan mo?"
Sinubukan kong hindi sumimangot sa harap niya.

Iniisip ko palang na may hahalikan siyang iba parang bigla nalang akong nakaramdam ng kirot.

*Exhale*

"Umuwi ka na."
Nanatili lang akong nakatayo habang nakatingin sa sahig.

Mukha na akong immature pero kahit na.

Rinig kong humugot siya ng hininga na para bang nauubusan na siya nang pasensya sa akin.

"Take this."
Napasimangot nang ilagay niya sa palad ko ang 1000 pesos.

"Anong gagawin ko naman dito? Hindi mo ako masusuhulan noh!"
Tssk! Phone ko lang naman kasi ang nadala ko.

"Tssk! Pamasahe mo yan baka kung kani-kaninong sasakyan ka pa sumakay."
Hays... So nabuking niya na pala ako kanina.

Mukhang wala na akong magagawa kundi tanggapin ito. Eh pinagtatabuyan niya na ako.

Pero kahit na isang rason lang naman ang kailangan ko para di na ako umasa pa.

"Wala ka bang barya diya—E-este ayoko! Hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko."
Nauutal na hirit ko.

Gusto ko lang naman malaman kung may pag-asa ba ako eh... Pero natatakot ako sa isasagot niya...

Will he reject me? I need to press him hard.

Masyado siyang demanding at ayaw niyang pinapangunahan siya.

"Wow, hindi ako na-inform na babaero ka na pala ngayon. Pagkatapos mo akong halikan, makikipagdate ka naman sa ex mo! Lokohan to ganun?"
Idinaan ko sa pang-aasar ang pagseselos ko kay Alendra.

Ops... I guess I pressed the wrong button.

"It's just a kiss. Isa pa hindi naman kita girlfriend para pagbawalan mo akong makipagdate sa iba. Stop, assuming things."
Dang! There he go, he finally snap.

Shoot... Sapul na sapul. Hindi ako nakaiwas. Inaamin ko naman na assuming talaga akong babae.

Ang sakit nun ha. Rejected pa rin pala ang ending ko.

He took a step forward as I step back.

"That time. It looks like you want me to kiss you... Ayaw mo nun hinalikan ka ng lalaking gusto mo."
What the...

Napayuko ako at pilit na tinago ang mukha sa buhok ko dahil sa hiya.

Reality hits me hard. Mukha ba talaga akong desperada?

Kailangan kong kumalma. Na-reject na nga ako tas iiyak pa ako sa harap niya.

*Inhale*

*Exhale*

"At hindi ka rin naman pumalag."
Ramdam ko ang mapanuyang tingin niya habang binabanggit iyon.

Wow, yung pride ko bigla nalang nadurog.

Hahaha, as if naman meron ako nun. Diba nga desperada akong babae.

"Pfftt... Wow, ito yung pinakamahabang salitang binanggit mo. Dylan, natrigger ka ba masyado."
Pilit akong tumawa habang mabilis na pinunas ang luha sa pisnge ko bago niya ito makita.

I don't want to give him any satisfaction.

"Oh bakit parang nagulat ka pa. Ine-expect mo bang iiyak ako at magngangawa sa harap mo?"
Halos mag-crack na yung boses ko. Damn you!!! Damn myself...

"Hindi ako ganun ka-cheap noh. At ako pa talaga ang assuming. Narinig mo bang lumabas sa bibig ko na gusto kita?"
I grit my teeth. Tinignan niya lang ako sa mata pero hindi ako umiwas ng tingin.

Pero shit...ang sakit nun. Yun pala yung tingin niya sa akin. Desperada. Parang sasabog na yung dibdib ko sa sama ng loob.

"Kailangan ko lang naman ng explanation kahit na magsama pa kayo ni Alendra mo. Hindi ko ikamamatay yun. Kung ayaw mong sabihin sa akin, di 'wag!"
Hindi mapigilang itaas ang boses ko.

Humakbang ako palapit sa kaniya.

Paisa lang.

Please...

Kahit isang beses lang...

Gusto ko lang siyang saktan kahit isang beses lang.

*Slap*

"Dahil sa sobrang slow kong tao na-delay yung reaksyon ko kanina nung hinalikan mo ako."
Napahawak nalang siya sa pisnge niya at nanatiling tahimik.

"Huwag mo na ulit akong hahalikan."
Madiin na sambit ko at mabilis na naglakad palayo sa kaniya.

Ang bobo ko talaga, Yanna. Kitang-kita naman na mula nung umpisa palang na hindi ka niya type.

Obvious naman sa mga sign na pinapakita niya... Assuming lang talaga ako.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon