Stalker

176 11 45
                                    

Chapter 44:
Yanna's POV...

Ipinantay ko ang hawak kong menu list sa mukha ko at umaktong binabasa ito.

Hays, mabuti nalang hindi na ini-lock ni Dylan yung kotse niya kanina kaya naman nagawa ko pang makalabas doon at sundan sila dito sa restaurant.

Halos tatlong lamesa ang distansya ko mula sa kinauupuan nila.

Dahan-dahan ko silang sinilip. Nakatalikod sa akin si Alendra, samantalang nakaharap naman si Dylan.

Nakakainis! Never pa akong inimbitahan ni Dylan sa labas pero kung si Alendra ilang beses na.

"Ma'am, ano pong order niyo?"
Nagulat ako nang biglang magsalita yung waitress sa tabi ko kaya naman nabitawan ko ang panangga ko sa mukha.

Yumuko naman ako at nagtago sa lamesa nang lumingon si Dylan sa kinaroroonan ko.

Sana hindi niya ako nakita...

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?"
Bigla akong namutla nang makitang tumayo si Dylan habang patuloy pa ring nakatingin sa pwesto ko.

Mas lalo akong kinabahan ng magsalubong ang kilay niya.

Waahhh! Anong gagawin ko? Siguradong nakita niya ako kanina. Nag-ssshhh ako sa waitress para tumigil siya sa kakatanong sa akin.

"Kung masakit po ang tiyan niyo pwede po kayong pumunta sa restroom."
Tigil na... Huwag ka nang magdaldal pa. Mabilis akong tumalikod habang nakayuko pa rin.

Narinig ko ang papalapit na yabag ni Dylan. Lumingon ako sa paligid at naghanap ng pwedeng pagtaguan.

"Is there a problem?"
Nanlamig ako nang marinig ang boses ni Dylan.

Natago ako sa ilalim ng lamesa. Hays, dito lang pala nahulog yung menu list.

"A—Ah Sir Lee... Yung babae kasi dito kanina, mukhang may sakit..."
Nauutal na tugon ng waitress sa kaniya.

What's with the formality? Huwag niyong sabihing sina Dylan din ang nagmamay-ari sa restaurant na 'to.

"Where is she?"
Sinubukan kong kunin abutin yung menu kaya lang may nakaapak sa kamay ko.

"Eh sir... Nandito lang siya nakina?"
Tinakpan ko ang bunganga ko gamit ang isa ko pang kamay.

"Omp!"
Pinigilan kong sumigaw dahil sa sakit. Huhuhu, ang kamay ko.

Mabilis kong hinila ang kamay ko.

"Shit! What was that!"
Tila gulat pa ang tono ng pananalita niya bago lumuhod at hinagod ang tablecloth.

"Aray!"
Daing ko nang mauntog sa may lamesa pagkatapos ng ginawa kong pag-atras.

Nadampot ko naman ang menu bago niya ako tuluyang makita.

"Tssk! Why the in the hell are you here!"
Kahit na hindi niya binanggit ang pangalan ko ay alam kong ako mismo ang tinutukoy niya.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon