Disastrous Morning

79 12 3
                                    

Chapter 34:
Yanna's POV

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakapikit. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa malaking unang nasa tabi ko.

Teka lang? Kailan pa ako nagkaroon ng human size pillow?

Kinapa-kapa ko pa ito habang nakapikit pa rin.

Warm and hard...

Bigla akong nagmulat at nakita ang napakalapit na mukha ni Dylan.

Napatulala lang ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

Tinakpan ko ang bunganga ko upang pigilang tumili dahil sa kilig.

Ihhh! Pa-paano siya napunta d-dito? Bigla ko ba siyang hinila palapit sa akin? A-Anong naging reaksyon niya?

Fudge. Magigising na siya... Anong gagawin ko? Baka isipin niyang isa akong perv'...

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kahit na nakapikit pa rin.

Bago pa siya mapamulat ay bigla ko siyang sinipa kaya naman nahulog siya sa kama.

"What the fuck!"
Sigaw niya sabay tayo. Nagtulug-tulugan lang ako.

Shems! Pinigilan kong ngumiti para mas effective ang pagpapanggap ko.

"Why the hell did you kick me out of the bed!"
Hindi ako kumilos at nanatiling nakapikit.

Pfftt... Ano kayang itsura niya ngayon?

"I know you're awake so stop pretending!"
Galit na galit na sigaw niya.

Shemay! Mukhang hindi nga talaga siya morning person.

Maya-maya pa ay biglang may humila sa paa ko.

BLAGG!

"Huhuhu, ouch! Ang sakit ng paa ko!"
I cried hysterically. Tssk! Hilain ba naman niya ako paalis sa kama.

"Shit!"
Mabilis siyang lumuhod at pinantayan ako.

Siniyasat naman niya ang injured foot ko. Wow ha! Ngayon parang concern naman siya.

Shhh lang... Hindi naman kasi masakit ang paa ko kundi ang puwetan ko. Babawi lang ako.

"What was that for?"
Hinampas ko siya nang malakas sa braso. Akala niya siguro magpapadaig ako sa kaniya.

"Bawi ko 'yan sayo! Bleh!"
Unikutan naman niya ako ng mata saka tumayo na.

"Tssk, so childish."
Pabulong na sambit niya sa akin. Tumayo lang ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Good morning, Dylan. Dahil tinulungan mo ako kahapon, hayaan mong pagsilbihan kita ngayong umaga."
Pag-uumpisa ko habang nakangiti. Syempre pagpapasalamat ko na rin yun sa kaniya.

Buwahahahha. Gagawin kong memorable ang umaga ni Dylan. At sisiguraduhin kong hindi niya ito makakalimutan.

"I don't need your service."
He muttered in a flat tone. Hays, sungit talaga.

Tinalikuran ko lang siya at hindi pinansin ang rejection niya.

Bahala siya sa buhay niya. Sa ayaw at sa gusto niya, gagawin ko pa rin 'to.

Bibigyan ko pa rin siya ng peace offering kasi naman diba tinulungan nya ako tapos pinagpalipas ng gabi sa condo niya.

[Kitchen]

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon