Chapter 22:
Yanna's POV...Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame.
Sabado na ngayon at sobrang boring.
*Deep sigh*
Kung meron sanang magyaya sa akin na gumala siguro magiging exciting ang araw na toh.
*Buzzzz* *Buzzzz*
Hinalungkat ko sa ilalim ng unan ang phone ko.
'Hello?'
Bungad ko sa kabilang linya. Inilayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa ingay ng background.'Steve! Yan ba yung babae.'
'Layuan mo nga ako Deane!'
'Ha? Bakit wala kang kinukuwento sa akin?'
'Huwag ka ngang magulo, Curt! Nakita mo nang nagbabasa ako eh.'
'Sandali lang, magigising si Siege. Kita niyo nang ipa-prank ko siya eh.'
Ha? Anong trip nang mga toh. Muli kong tinignan ang screen ng phone ko. Hindi naka-save sa contact ko ang caller toh?
'Hello sino toh?'
Biglang tumahimik ang nasa kabilang linya.Tssk, ang gandang trip. I-ko-call end ko na sana pero biglang may nagsalita.
'Hello, pizza delivery. Gusto ko sanang mag-order Hungarian, at saka— Ay huwag nalang pala. Gusto ko nang spaghetti, yung macaroni and cheese at saka daanan mo na rin yung ice cream shop sa tabi ng sm mall.'
Inilayo ko ang phone ko saka tumawa.Pfffttt... Timang lang. Sige na nga, sakyan ko nga ang trip ng isang 'to.
'Copy, Sir. Saan ko po ba idi-deliver?'
Biglang umingay na naman ang background.'Huwag mo ngang agawin ang phone ko.'
'Nakakainis! Palpak ang prank ko. Ayan kasi ang ingay niyo.'
'A—Ang libro ko... Anong ginawa niyo sa libro! Sinong nagtapon nang juice dito!'
'Akin na ang phone ko! Mang-aagaw ka!'
Narinig ko ang pagtumba ng isang bagay.'Babe... Hindi mo na kailangang magtanong pa. Dumiretsyo ka lang sa condo ko, sinasabi ko sayong hinding-hindi ka magsisisi. Paliligayahin kit—'
'Sorry pero gusto ko sanang mag-order ng latest release na libro sa national book store. Hindi ako namimili ng genre, kahit na ano basta pwedeng basahin—'
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
LosoweAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...