Chapter 11:
Yanna's POV"Mommy, alis na ako."
Pagpapaalam ko kay mommy saka sumakay sa kotse ko.Alam niyo naman na yung nangyari kahapon, diba? Kaya di na ako magkukwento pa.
Maaga akong pupunta ngayon sa school kasi... Wala gusto ko lang tas ngayon ko na gagawin yung pang-iinis kay Dylan.
Pagpark palang ng kotse ko ay lumabas na agad ako upang pumasok sa elevator.
Nginingitian ako ng mga istudyante dito kaya ganun din yung ginawa ko.
"Your Yanna, right?"
Tinanguan ko naman yung babaeng nagtanong sa akin.Wow, kilala pala ako ng ibang istudyante dito. Sana hindi dahil sa natagusan ako nung nakaraang linggo. Sobrang nakakahiya kasi nunnun.
"Bakit mo ako kilala?"
Di ko mapigilang itanong. Naku-curious lang ako."Ikaw lang naman ang kaisa-isahang babaeng nangulit at nang-inis kay Dylan. Ang astig kaya nun. At higit sa lahat ikaw lang ang taong nakatiis sa ugali niya."
Napakamot nalang ako sa ulo. Ako astig? Hindi kaya.Maliit na bagay lang naman yung ginagawa kong pangungulit at pang-iinis kay Dylan eh. Parang daily routine ko na kaya yun.
Kasi ang dami kong nakikitang emosyon niya.
Yung Dylan na galit... ✔
Yung Dylan na naiinis... ✔
Yung Dylan na naiirita... ✔
Yung Dylan na nakangisi... ✔
Yung Dylan na tumatawa... ✔
At yung gusto ko pang makita.
Yung Dylan na nakangiti... ✖
Yung Dylan na nagba-blush... ✖
Yung Dylan na umiiyak... ✖
Yung Dylan na nagseselos... ✖
Yung Dylan na masaya... ✖
Yung Dylan na malungkot... ✖
Yung Dylan na inlove... ✖
....
...
..
.
Sa akin. Etchos lang!Lumabas na kami nang bumukas na ang elevator.
"Good morning!"
Masiglang bati ko sa kanila nang makapasok na ako sa classroom."Morning!"
Masiglang bati nila sa akin kaya ngumiti naman ako at dumiretsyo sa upuan ko.Lumipas ang ilang minuto ay wala pa ni anino o bag ni Dylan dito.
Hmm, bakit kaya wala pa siya?
*******
Recess na pero wala pa rin siya.
*******
Tanghali na pero wala parin siya.
*******
Confirm, absent si Dylan.
Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa upuan ni Dylan.
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
AléatoireAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...