My New Rivalry

134 8 0
                                    

Chapter 18:
Yanna's POV

Friday na ngayon ay gaya nga ng sinabi ko ay di ko kinausap si Dylan kahapon.

Kasabay ko ngayon sa paglalakad papunta ng classroom si Kyle at eksaktong salungat ang direksyon ni Dylan sa amin. Kaya nagkasalubungan kami.

"Hi, Dylan!"
Masigla at nakangiting bati ko pero inirapan niya lang ako.

Tssk, mukhang may taong di maganda ang gising ngayon. Hmp, sungit.

"Di mo talaga siya titigilan noh?"
Tanong niya sa akin at tumango lang ako habang nakangiti.

"Oo naman, kahit kailan, kahit na namatay pa ako. Just kidding."
Nakapeace sign na sambit ko sa kaniya.

Ano? titigilan ko na agad yong maarte at masungit na yun?

No way, as in never. Hindi pa nga naging kami eh. Azanezzz naman.

"Weh! Kahit na sabihin ko pang may bagong transferee students na lilipat ngayong second grading."
Eh ano naman ngayon kung may bagong transferee student?

"Kilala mo ba kung sino sila?"
Interesadong tanong ko sa kaniya.

Nang makarating na kami sa classroom ay sinundan ko pa rin siya hanggang sa upuan niya.

"Sino nga sila?"
Pangungulit na tanong ko pa saka umupo sa upuan niya.

"Hindi mo muna ilalagay yang bag mo?"
Natatawang tanong din niya sa akin. Ako yung unang nagtanong eh.

"Hindi, so ano nga.?"
Nakakainip, ang tagal ng sagot niya eh.

May pabitin-bitin pa siyang nalalaman. Nasu-suspense tuloy ako.

"May tatlong babaeng magta-transfer dito."
Nakakainis ah, hindi niya sinagot yung tanong ko.

"Ang labo mong kausap. Sino nga sila?"
Nagcross arms ako sa harap niya.

"Ang sungit mo naman. Tssk, yung isa doon sa magtatransfer EX ni Dylan."
Hah? Nagkaroon na ng girlfriend si Dylan.

"Ano?! Sa dinami-dami pa ng school, dito pa niya talaga naisipang magtransfer.
Naiinis na sabi ko kay Kyle.

Grabi naman, hindi talaga ako tatantanan ng problema. Tapos ngayon may kaagaw na ako kay Dylan.

"Alexandra yung pangalan nung EX ni Dylan."
Diniinan talaga yung salitang 'EX'.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon