His Weakness

86 9 0
                                    

Chapter 29:
Ashley's POV

Makailang ulit na akong tumitingin sa pinto pero ni anino ni Yanna ay hindi ko pa nasisilayan.

Kanina pa nagsimula ang klase pero wala pa rin siya dito.

Nasaan na ba siya?

Napansin ko ring wala si Dylan pero imposible namang magkasama sila. At kung tama nga ang hinala ko ay bakit hindi pa sila bumabalik dito.

Ano yun nag-cut class silang dalawa?

"Ms. Shin, read the poem on page 102."
Mas lalo akong napabuntong-hininga dahil isa pa sa mga alalahanin ko si Kyle.

Of course, kasi mag-seatmate kami. At sobrang awkward din namin sa isa't isa.

Matapos nang nangyari kaninang umaga, hindi na nga niya ako pinansin o binalingan man lang ng tingin.

I can't tell whether I'm relieved or disappointed.

Fine. Kagustuhan ko naman talaga na iwasan muna ako ni Kyle pero....

*Sigh* ang hirap naman nang gan'to.

Hoy feelings bilisan mo nang mawala para hindi ko na kailangan umiwas sa kaniya at bumalik na sa dati ang lahat.


"Ash. Stop spacing out and read the poem."
Mabilis kong nilingon si Kyle nang ibulong niya ito sa akin pero diretsyo lang ang tingin niya sa harapan.

"Ms. Shin."
Bakas sa tono ng pananalita ni Ma'am Garcia ang pagkabagot na tila ba kanina pa naghihintay.

Walang pag-aalinlangan naman akong tumayo at binasa ang tulang tinutukoy niya.

[FAST FORWARD]

Nang ma-dismiss na kami ay mabilis kong kinuha ang gamit ko at nagmamadaling lumabas ng room.

Inilabas ko ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Yanna pero laging 'out of coverage area'

*Sigh*

Maybe I'm just paranoid over nothing.

Napatakbo nalang ako nang makita ang papasarang elevator.

Mabuti nalang nakaabot pa ako, pero masikip sa loob. Damn! Dapat pala hindi na ako nagmadali.

"Shit."
Mahinang mura ko nang biglang maitulak ako ng ibang estudyante dito at may nakatapak pa ng paa ko. Kaya naman doble ang sakit.

Ba't ba ang gulo nila? Di ba pwedeng naka-steady lang sila. Hays, ang sikip at nakaka-suffocate dito.

Maya-maya pa ay may naramdaman akong dumapo sa balikat ko at marahan akong itinulak sa may sulok ng elevator.

"Are you okay?"
Bigla akong naistatuwa nang mapagtantong si Kyle pala iyon.

What! Hindi ko siya napansin kanina.

Nang mapansin niyang hindi ako nakaimik ay nag-iwas lang siya ng tingin habang nasa harapan ko na tila ba binibigyan ako ng sapat na ispasiyo.

"K—kyl..."
Hindi ko na natuloy ang pagtawag sa atensyon niya nang bumukas ang elevator.

Umatras siya at hindi na ako sinulyapan.

Napabuntong-hininga nalang ako at naglakad na rin sa ibang direksyon.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon