Yanna's Dreamland

103 12 5
                                    

Chapter 37:
Yanna's POV

Pagkapasok namin sa classroom ni Kyle ay nasa amin ang lahat ng atensyon nila. Mostly, talaga sa akin sila nakatingin.

Mukhang kalalabas lang nung first subject teacher namin at hinihintay nalang ang susunod na magkaklase sa amin.

*Sigh*

Mabuti naman. Humingi naman na nang 'sorry' si Kyle nung pinuntahan niya ako sa infirmary kanina at sinundo.

Kahit na hindi naman siya yung nakasuntok sa akin.

Nasaan na yung Dylan na yun? Para mahambalos ko din siya sa mukha. Ang sakit kaya nung suntok niya.

Naglagay pa nga ako ng bulak sa ilong eh. Para lang patigilin 'tong pagdudugo ng ilong ko.

Naku lagot ka talaga sa akin, Dylan.

"Yanna, hanep ah. May pabulak ka pa sa ilong."
Pang-aasar sa akin ni Jerome na ginatungan naman ng ibang kaklase ko.

"Oo nga. Nasaan na yung kape?"
Hmp, umupo ako sa upuan ko bago sila sinagot.

"Kape? Bakit kayo naghahanap ng kape, ibuburol na ba kita?"
Pabalik na tanong ko sa kaniya pero tinawanan lang ako ng kaklase kong 'yun.

Wow, ha! Kilala lang ako at kakausapin kapag mang-aasar.

"Yanna, maglalabas na ba ako ng binggo cards?"
Dagdag na pang-aasar pa ng isang kaklase ko.

Waahhh, pinagtutulungan nila ako!

"Ako nalang yung mangungulekta ng abuloy."
Boluntaryo naman ng iba.

"Hey, I'm gonna pay the coffins."
Mapanuyang prisinta naman ni Alendra.

Tssk! Pati din siya nakikisabay. Fc lang.

Eh kung siya kaya yung ilagay ko sa kabaong at ilibing ng buhay. Tignan lang natin kung nakanino ang huling halakhak.

"Wait! Wala tayo sa burol. At hindi ako patay, okay. Kita niyo namang nagagawa ko pang magsalita dito. So zombie ako, ganun?"
Medyo naiinis na sambit ko sa kanila. Paano kasi, puro nalang sila pang-aasar.

Dapat sensitive sila. Nasaktan ako kaya naman kailangan ko ng kalinga.

"Ano 'to, may bulak lang sa ilong patay na. Hindi ba pwedeng sinipon lang."
Dagdag ko pa. Napailing nalang ako na para bang na-disappoint sa kanila.

Bigla naman silang natahimik nang pumasok ang adviser namin.

Binati naman namin si Ma'am.

"This incoming Friday will be your 2nd period examination. Just like the usual, I'm going to give you a time to review. Lalong lalo kana Ms. Mishike. Today you can do whatever you want to do. That's all because I'm going to attend a meeting, Leandra please observed your classmates."
Mahabang paliwanag ni Ma'am sa amin matapos namin siyang batiin.

Shemay! Muntik ko na sanang makalimutan yung deal namin ni Dylan.

Pressure overload.

Pagkaalis niya ay naghiyawan silang lahat. May nagsabi pang 'exam lang yan kahit di na magreview'. Nagsitawanan naman ang iba sa mga kaklase ko.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon