Chapter 21:
Yanna's POV...Hay salamat. Natapos na rin ang buong maghapon.
Grabe, nakakairita talaga yung ex niya. Alam niyo ba yung feeling na malapit mo nang masabi na, 'Wow, ang bait niya!' tas biglang, 'Ay, hindi pala! Demonyo siya pagdating sa akin!'
Naku nakakapanggalaiti!
Pagdating sa ibang kaklase namin sobrang bait niya pero nagiging demonyita siya 'pag ako na yung kausap.
Sabihin niyo, nakakainis ba akong kausap?
"Hoy, Yanna!"
Kinakalabit ako ni Bessy Ashley pero tinalikudan ko lang siya.Busy kaya ako sa pag-aayos ng gamit ko. Huwag siyang istorbo.
"Huy, 'wag mo nga akong dedmahin."
Kinakalabit ulit niya ako."Anu?! Bessy, istorbo ka rin eh."
Reklamo ko saka siya tinignan.Mabilis naman niya akong tinawanan.
Tssk, hindi ko pa nakakalimutan yung nagyari kanina.
"Bessy, alam mo ba gusto ko na ulit siyang makatabi!"
May tono ng pagrereklamong sabi ko kay bessy. Habang nakatingin ako kina Dylan at Kyle ay kitang-kita ko tapunan nila ng nakamamatay na tingin."Pfftt... Shunga ka din kasi. Ba't ka ba kasi umalis dun? Tssk."
Umiiling na komento niya kaya sinimangutan ko lang siya.Wahh! Bakit ba kasi ang assuming ko!
Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa frustration.
Tumayo si Bessy para ipasa sa harapan ang papel niya kaya ipinasabay ko na rin yung sa akin.
May pinagawa kasing argumentative essay ang English teacher. At dahil last period naman na ay kailangan talaga naming tapusin kung ayaw mong maiwang mag-isa dito.
Inunat ko ang braso ko at hita para magising naman ang diwa ko.
Inaantok na kasi ako kanina pa, baka nga kanina pa ako nakatulog kung hindi ko kadaldalan si Bessy.
"Aray ko!"
Rinig kong daing ng isang tinig kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.Mabilis naman akong napatingin sa kaniya.
"Oh my..."
Napatakip naman ako ng bibig nang mapag-alamang si Alendra pala yung napatid ko."Hay naku Yanna, hindi ka talaga nag-iingat."
Napapailing na puna ulit ni bessy sa akin.Nag-peace sign naman ako kay Alendra bilang pagpapaumanhin.
"Here. Let me help you."
Nagpanting ang magkabilang tenga ko ang marinig ang pag-e-english ni Bessy.Ano! Pati ba naman siya?
Tinanggap naman ni Alendra ang nakalahad na palad ni Bessy.
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
AcakAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...