Just a Piece of Paper

143 9 0
                                    

Chapter 10:
Yanna's POV

Naglalakad kami ngayon ni Kyle papunta sa classroom.

"Ang weird mo kahapon, Yanna."
Napatingin naman ako sa kaniya saka ngumiti.

"Hindi kaya."
Nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Anong hindi? Di ba nga nung umaga sobrang tahimik mo. Pagkatapos naman nung recess buong maghapon ka nang nakasimangot..."
Kasalan ni Dylan yun, kaya kung nagawa niya akong badtripin gagawin ko din yun sa kaniya. Pero hahanap muna ako ng tamang tyempo.

"Di ka na naman nakikinig sa akin."
Agad akong napatingin sa kaniya at napangiti.

"Hehehe nakikinig kaya ako sayo."
Napapakamot sa ulong sabi ko. Buti nalang malapit na kami sa room.

"Sige nga ano yung huling sinabi ko sayo?"
Ano na ulit yun? Yung tungkol sa pagiging maganda ko, joke lang.

"Yung ano... Yung...
Pasok na tayo."
Anyayang sabi ko, buti nalang nasa tapat na kami ng room.

Mukhang alam niyang iniiwasan ko yung tanong kaya ngumiti nalang siya saka ginulo yung buhok ko.

Oo nga pala, di ko pa napupuntahan yung rooftop. Mapuntahan nga pag may time ako.

"Bessy Ashley!"
Masiglang sigaw ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Para kasing may something sa kanila ni Kyle. Alam niyo na kung ano yun.

"Aba, ang saya mo yata ngayon?"
Nakangiting tanong niya at ngumiti lang ako tsaka umupo sa tabi niya.

"Musta na kayo."
Tumataas-babang kilay na tanong ko kay Bessy at binatukan ba naman ako.

"Malisyosa ka talaga, Yanna." Walang kami."
Di ko mapigilang mapanguso.

"Kailangan talagang mambatok ha!"
Komento ko habang hinihimas yung ulo ko.

"Buti naman at bumalik ka na sa dati."
Tumingin ako sa pwesto ni Dylan. Kakausapin ko ba siya o hindi? Huwag na muna.

Nagtatampo pa ako sa kaniya dahil tinawag niya akong patay gutom kahapon.

"Hoy! Baka matunaw."
Matunaw agad... Tssk, exaggerate naman nitong mag-isip.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon