My Old Friends

271 11 0
                                    

Don't forget your old friends when new ones added. Because, "A new broom may sweep clean but the old one knows all the corner."
~Anonymous

Chapter 2:
Yanna's POV


Kinabukasan nun ay maaga akong gumising, plano ko kasing kabisaduhin at libutin ang buong parte ng school na papasukan ko.

Pagkatapos kong gawin ang daily routines ko ay agad akong bumaba at eksakto namang nadatnan ko si mommy sa kusina.

"Morning Yanna, mukhang excited ka yatang pumasok ngayon ah."
Nakangiting bungad ni Mommy habang nakaupo sa hapag, nginitian ko lang siya tsaka umupo na rin ako.

Pagkatapos kong kumain at nagpaalam na ako kay mommy.

"Mommy, alis na ako."
Pagpapaalam kong sabi sa kaniya at humalik sa pisnge niya.

Agad akong pumunta sa garahe namin, dala-dala ang bag ko saka pumasok sa kotse ko at inistart na ang engine.

Habang nagdradrive ako ay di mapigilang mapangiti dahil sa excitement na nararamdaman ko ngayon. Teka nga saan ba yung school na yun?

Tingin sa GPS.

Parang ang layo, pero hindi naman pala hehehe. Nagkanda-wala wala kasi ako. Pero buti naman at narating ko na rin tong Academy na toh.

'Welcome to Golden Academy.'
Ang karatulang nakadikit sa taas ng gate nito. Pero bat parang ang taas naman ng bakod nito at parang masyadong malaki ang gate nito?

"Welcome to Golden Academy, mam. How may I help you?"
Rinig kong sabi nang nasa labas na guard, di ko alam kung guard ba yun o pulis o kaya nama'y sundalo.

May mahabang baril kasi siyang hawak, since nakababa ang bintana ng kotse ko ay kita ko ang mapangmatyag nitong tingin.

"Are you the pulis here?"
Pang-eenglish kong sabi at kinunutan niya lang ako.

"No mam and do you have student card?"
Tanong nito at agad naman akong napailing bilang tugon. Tssk, ang sungit naman ni manong.

"I'm a transferee student."
Nakangiting sabi ko kay Manong guard at tumango naman ito.

"Your full name, mam."
Sabi nito saka may binuklat na malaking notebook na kulay black.

At tinanong pa ako tungkol sa mga bagay bagay na may kinalaman sa family ko. Ano to interview, hayst!!!

Late na ako. Kainis naman tong guard na toh, masyadong mabusisi para namang akong isang kriminal o kaya naman isang miyembro ng sindikato. Hindi ko na malilibot ang buong academy.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon