Gustong gusto kita

92 14 6
                                    

Chapter 41:
Yanna's POV...

Yes, Thursday na... Ito na ang huling araw ng pagre-review ko.

"Good morning!"
Masiglang bati ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Nginingitian naman ako nang ilan at saka binabati din.

"Uy Bessy!"
Masayang tawag ko habang patakbong pumunta at sinabayan siya sa paglalakad.

"Wow, masaya ka yata ngayon?"
Mahinang sambit niya habang diretsyo pa rin ang tingin sa harapan.

"Alam mo, ang daming kong gustong ikuwento sayo."
Pumunta ako sa harapan niya at naglakad paatras.

"Nilibre ako ni Kyle kahapon tas pakiramdaman ko nagseselos si Dylan."
Hindi ko mapigilang kiligin tuwing naaalala yung ekspresyon niya.

"Hindi kayo nagdate?"
Parang biglang lumiwanag ang mukha niya nang itanong iyon sa akin.

Ano daw? Date? Kami ni Kyle?

Pfftt... Huwag niyo nga akong patawanin? Hindi naman niya ako gusto eh.

"Hindi noh! Bakit kami magdi-date, magkaibigan lang naman kami. At saka pakiramdam ko meron siyang ibang gusto, siguro hindi niya masyadong nare-realize yun."
Mahabang paliwanag ko habang nakangiti na.

"Ibang gusto?"
Bumakas sa mukha niya ang pagtataka pero tinanguan ko lang siya.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
Galit na sigaw nito matapos ko siyang aksidenteng mabunggo.

Mabilis ko naman siya hinarap saka nag-bow kasabay nang paghingi ko ng dispensa.

"Naku! Pasensya na— Alendra?"
Saad ko nang mapatingin sa taong nabunggo ko.

"Tssk! Huwag kang umakto na parang sayo 'tong daan."
Pagtataray niya at binunggo din ako sa balikat.

Hmp, nag-sorry na nga ako di ba?

Naglakad na ulit ako nang normal. Hehehe, baka kasi may biglang mabunggo ulit ako dun.

Pagpasok namin sa room ay mabilis na nahagip ng mata ko si Dylan.

Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakaharap siya sa bintana.

Lumawak ang ngiti ko nang makaupo na ako sa tabi niya.

Hays, hindi man lang siya nag-abalang tignan kung sino yung tumabi sa kaniya.

Maasar nga 'tong supladong toh.

"Good morning, Dylan."
Hindi pa rin niya ako nilingon at nag-'tssk' lang.

"Taray mo naman."
Napakamot nalang ako dahil dinedma niya ako.

Kinalabit ko siya pero waa epek.

"Hoy, Dylan!"
Tinapik ko naman ngayon ang balikat niya.

Napatirik nalang ako ng mata dahil sa inis.

Bakit ba ayaw niya akong pansinin?

"Dylan! Ang sabi ko good morning!"
Waahhh! Malapit na akong mapikon dito.

"Hello! Isnabero! Pansinin mo ako! Hindi ako hangin. Yooh hooh."
Nag-wave na ako sa mukha niya pero mas lalo niya akong tinalikuran.

Nakita kong pinagtatawanan na ako ng mga kaklase ko dahil sa ginagawang pagdedma sa akin ni Dylan.

Argggh! Bakit ba ayaw niya akong pansinin!

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon