I'm his first...

113 12 3
                                    

Chapter 24:
Yanna's POV...

"Yanna, alis na tayo."
Pag-aaya ni Bessy Ashley na ngayon ay malapit na sa pintuan.

Hay naku! Napatalikod lang ako ng saglit naglaho na naman si Dylan. Speaking of... Wala na din dito yung tres maria's. Hmp, mabuti nalang.

"Sige na. Mauna ka na Bessy..."
Patuloy pa rin ang ginagawa kong pagkakalkal sa bag. Asan na ba kasi yun?

"Eh? Di ba nga mag-o-overnight tayo kina Kyle?"
Napabuntong-hininga nalang ako. Ayan kasi.

E-ekse-eksena na naman 'yang group activity na 'yan. Biruin niyo magpagawa ba naman sa amin ng position paper about LGBT, fifteen minutes bago magtime.

Tapos pinilit-pilit pa namin 'yung subject teacher namin na bukas nalang ipasa.

"Oo nga. Susunod na ako dun. Magsabay na kayo ni Kyle papunta kanila."
Saan ko ba kasi inilapag yung cellphone ko? Hawak ko pa 'yun kaninang umaga.

"Bahala ka pero siguraduhin mong susunod ka."
Diin niyang sambit bago tuluyang umalis.

Linibot ko pa 'tong buong silid-aralan, umaasang makikita ko dito yung phone ko pero wala talaga.

[At the Hallway: 4:49pm]

I give up!

Ayoko ng maghanap!

Pagod na akoooo....

Bagsak-balikat akong naglalakad papunta sa elevator.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala yung nangyari kanina.

...flashback...

"Wait. Hoy! Dylan, hintayin mo ko."
Kumaripas ako ng takbo para maabutan siya.

"Dylan."
Kinakalabit ko siya pero ayaw niya talaga akong pansinin.

"Oo na. Sorry na."

Tssk! Nakakainis! Bakit parang ako pa yung sumusuyo.

Hindi pa rin niya ako tinignan. Galit nga siya.

"Hoy! Sorry na."
Binuksan niya yung kotse niya at akmang papasok doon.

Napasimangot nalang ako saka gumilid. Kasalanan yun ng elevator, bubukas-bukas kasi.

"Anong tinatayo-tayo mo diyan? Hop in! Baka mamaya mamalimos ka na sa ibang students dito."
Hindi na ako nagsalita at mabilis na pumasok sa sasakyan niya.

Mahirap na baka biglang magbago ang isip niya.

A-W-K-W-A-R-D

Iyan lang ang masasabi ko. Diretsyo lang ang tingin niya sa daan at seryosong seryoso pa ang ekspresyon.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon