Mr. Bipolar King

167 8 0
                                    

Chapter 8:
Yanna's POV

Pagkamulat palang ng mga mata ko ay hindi ko na mapigilang kiligin.

Ihhhh, si Dylan kasi pati sa panaginip ko nagpapakita pa rin siya.

Muntik na daw kasi akong masagasaan ng van, doon sa panaginip ko.

Tapos bigla akong niligtas ng "knight-in-shining-armor" ko daw na si Dylan.

Kinilig naman ako ng todo, hihihihi.

Niyakap niya daw ako ng mahigpit at tila takot na takot siyang mawala ako sa buhay.

Ouch, umeksena pa tong hang-over na toh. Migraine, tantanan mo ako kahit na ngayong araw lang na toh.

Kailangan ko kasing pumasok ngayong araw ang last submission ng project namin.

Napatingin nalang ako sa pinto ng bumukas ito at nakita ko si Aleng Nancy na may dalang tray, inilapag niya ito sa study table ko.

"Pumunta ako dito para bigyan ka ng gamot. Alam mo bang na-disappoint ang mommy mo nang makita ka niyang lasing at umuwi ng gabi? At lumagpas ka sa oras na ibinigay ko sayo, 11:30 ka na iniuwi ng kaibigan mo dito."
Mahabang paliwanag ni Aleng Nancy habang napapailing na lamang.

Halos wala akong maalala sa nangyari kagabi, hanggang sa performance lang yung naaalala ko.

Nakakainis si Keith, iniuwi niya ako ng almost midnight na.

"Inumin mo tong aspirin, para maibsan naman yang sakit ng ulo mo at makapasok ka pa." Dagdag pa niya sabay abot ng gamot at tubig.

Agad ko naman itong tinanggap, napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko.

Hays!!! 6:00 palang, marami pa akong oras.

Pagkatapos kong gawin ang daily routines ko ay nagpaalam na ako. Di ko na pinagising si mommy, alam ko kasing pagod siya.

~*******~

Nang makarating ako sa Academy ay agad ko ng ipinark yung kotse.

At dahil meron nalang akong fifth-teen minutes bago magtime ay pumasok na ako ng elevator kasama ang ilang mga istudyante na hinahabol din ang oras nila.

Pagbukas palang nito ay nauna na akong lumabas doon.

At naglakad sa corridor, may mga istudyante pang nasa labas ng classroom nila dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase.

Napakunot noo nalang ako ng mapansin kong sa akin naka-sentro ang atensyon nila.

May mga magbubulungan at bigla nalang mapapailing at meron din namang natatawa.

May suot naman akong damit at parehas naman yung pares ng rubber shoes ko, diba?

O baka naman nakalimutan kong magsuot ng pang ibaba dahil sa pagmamadali?

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon