Catch Me Not

130 10 0
                                    

Chapter 15:
Yanna's POV

Lumipas na ang Sabado at Linggo, Lunes na naman.

Alam niyo ba yung feeling na gusto mo lang humiga sa kama mo ng buong araw.

Yung feeling na kahit gusto mong kumilos ay salungat naman sa gusto ng katawan mo?

Yung kaiinisan mo yung araw ng Lunes. Yung tinatamad ka ng pumasok.

Yan yung feeling ko ngayon...

Kasi naman eh. Umaambon-ambon pa sa labas. Hays, diba ang lamig at ang sarap matulog?

Buti nalang may inspiration ako sa pagpasok sa school.

Gusto niyong malaman yung ginawa ko nung Saturday?

Pinakialam ko lang naman yung laptop ni Dylan. At meron akong natuklasan doon. Grabe di nga ako makapaniwala eh, alam ko na din yung sekreto niya.

At,

Punta na tayo sa ginawa ko nung Sunday. Nagsimba lang akong mag-isa at buong araw na akong walang ginawa.

Ang tamad ko noh?

Balik na tayo sa kasalukuyan kong ginagawa. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na akong aalis kay Aling Nancy.

Malapit na ang first grading examination kaya siguradong pagrereview lang ang gagawin namin ngayong araw.

[Classroom:]

Karamihan sa mga kaklase ko ay nakajacket. Di ko tuloy mapigilang mainggit.

Pag-upo ko sa upuan ay siya ring pagdating ni Dylan. Napanguso nalang ako ng makitang nakajacket din siya gaya ng iba.

"Hi, Dylan."
Masiglang bati ko nang makaupo na siya sa upuan niya pero di niya ako pinansin.

"Uy, magaling ka na ba?"
As usual balik na naman siya sa pagiging snob.

Di bale, okay na din yun kasi pumasok na siya. Di na ako maboboring ngayon dahil meron na akong iinisin.

"Uy, Dylan kailan mo kukunin yung laptop mo?"
Agad siyang napatingin sa akin kaya naman napangiti nalang ako.

"Bakit di mo pa yun binalik sa akin?"
Inis na tanong niya. Yehey, kinausap na niya ako.

"Di mo naman kinukuha sa akin eh."
Nakangiting sabi ko at inirapan niya nalang ako saka sinalpak sa tenga niya yung headset.

Tignan niyo tong taong toh. Di pa nga ako tapos makipag-usap eh.
Nakakainis.

"Dylan, di mo na yun kukunin?"
Tanong ko pero mukhang di niya yun narinig.

"So ibig sabihin akin na yun?"
Tanong ko ulit sa kaniya.

"Sige akin nalang yun."
Inis niyang tinanggal ang headset niya at muling tumingin sa akin.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon