Oh My Goddess! He's Gay!

138 8 0
                                    

Chapter 16:
Yanna's POV

Dala-dala ko ngayon sa pagpasok ko ang laptop ni Dylan. Hehehe halos isang buwan na toh sa akin.

Napakunot-noo nalang ako nang mapansing wala pa si Dylan pati na rin si Kyle.

"Bessy, sa tingin mo bakit wala pa si Kyle?"
Tanong ko kay Bessy. Kasi silang dalawa lang ni Dylan yung wala dito.

Imposible namang nagkataon lang yun.

"Siguro na-traffic lang yun. Alam mo na, malakas kasi yung ulan."
Kibit-balikat na sagot naman niya sa akin. Eh, bakit wala din dito si Dylan.

Di naman na ako umimik pagkatapos kong marinig iyon.

Napatingin ako sa laptop niya.

[Flashback:]

"Ano kayang meron dito?"
Binuksan ko ang laptop niya at sa kabutihang palad ay wala itong password.

Agad kong tinignan ang album niya. Mukhang picture niya toh nung bata palang siya.

"Pfftt... Si Dylan ba toh?"
Di ko mapigilang matawa habang nakatingin sa picture niya.

Siguro nasa pitong taong gulang palang siya dito?

Ang kyut niya dito, saktong pink pa yung suot niya. Isama mo pa yung nakasimangot niyang mukha habang nakatingin sa camera.

Agad kong kinuha yung phone at piniktyuran ito.

"Sino naman tong babaeng kasama niya?"
Napangiti ako ng makita yung mukha ni Dylan. Nakangiti siya sa camera, animo sobrang saya niya dito. Siguro mommy niya yung nandito.

Yung pangatlong larawan naman ay kasama niya dito si Tito Sebastian tapos yung babae ulit doon sa isang larawan.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon