Sana Nga

64 9 0
                                    

Chapter 39:
Ashley's POV...

Makailang ulit na akong bumuntong hininga sa tuwing mapapatingin sa pinto.

"Ashley, si Siege nakita mo ba?"
Kibit balikat ko lang tinugon si Keith ng itanong niya iyon.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng room. Siguro magpapahangin muna ako sa garden.

*********

Habang naglalakad ako papunta doon ay biglang naalala ko ang nangyari nung Sabado.

[Flashback:]

Napakunot noo ako habang nakatitig sa phone ko.

Gusto kong tawagan si Kyle. Tama. Makikipag-ayos na ako sa kaniya. Although, hindi naman talaga kami nag-away.

Humiga ako sa kama matapos kong ilapag ang phone ko sa study table.

Napatingin ako sa kisame ng aking kuwarto.

Maya-maya pa ay nag-vibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko ito.

'Hello, Kyle? Ba't ka napatawag?'
Nawala ang ngiti ko sa labi nang hindi si Kyle ang sumagot sa kabilang linya.

'Ashley, ija. Pwede bang pumunta ka dito sa bahay?'
Napabalikwas naman ako sa kama bago ito tinugunan.

Kaya ko na ba siyang harapin?

'Po? T—Tita, may gagawin pa kas—'
Napakagat ako sa labi nang magsalita ulit siya.

'Ija, kahit na saglit ka lang dito. Please.'
Um-oo nalang ako dahil kahit kailan ay hindi ko pa narinig na nakiusap si Tita Karen sa akin. Siguro talagang importante 'to.

'Sige po.'
Maiksing tugon ko bago ibinaba ang tawag.

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na nga ako sa bahay nina Kyle.

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ni Tita.

"Pasensya ka na ija kung naistorbo kita."
Nakangiting bungad niya sa akin.

"Naku, Huwag niyo po 'yun alalahanin. May problema po ba? Tungkol ba 'to kay Kyle? Nagkasakit po ba siya?"
Sunod-sunod na tanong hanggang sa makarating na kami sa loob ng bahay nila.

Napabuntong-hininga naman si Tita Karen saka muling nagsalita.

"Hindi na lumabas ng kwarto ang anak ko simula nung umuwi siya sa bahay kagabi."
Pagkukuwento niya akin kaya naman nagtaka ako.

P—pero, date nilang dalawa ni Yanna 'yun?

"My son seems very glad after telling me that he's going out with his friend."
Napatingin ako sa phone ni Kyle ng ilagay niya ito sa palad ko.

May crack ang screen nito.

"Tita, anong nangyari sa phone niya.?"
Hindi ko mapigilang itanong iyon.

"Basta niya lang ibinato ang phone niya saka nagkulong sa kuwarto. Kaibigan mo siya kaya naman ikaw ang tinawagan ko."
Bigla tuloy akong nakonsensya ng marinig iyon.

Tama, magkaibigan kami. Hindi ko dapat siya inutusang iwasan ako dahil lang sa selos.

"Kausapin mo naman ang anak ko."
Hiling ni Tita sa akin kaya naman tinanguan ko na lang siya.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon