Chapter 9:
Yanna's POVNakangiti akong naglalakad papasok sa classroom nang mapansin ang kakaibang tingin at ngiti ng mga kaklase ko.
"Good morning, Yanna!"
Masiglang bati nila nang may bakas pa rin ng kakaibang ngiti.Agad akong dumiretsyo sa upuan ko. Hmm, wala pa si Dylan...
6:30 am pa naman kaya maaga pa.Prente akong nakaupo sa upuan ko ng dumako sa paningin sa kumpulan ng ibang mga kaklase ko sa harapan.
Ano kayang ginagawa nila doon, nakaka-curious ah.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanila. Napangiti akong ng wala sa oras dahil di man lang nila napansin ang paglapit ko.
Pilit kong sinisilip mula sa likuran kung ano ang pinagkakaabalahan nila.
"Anong ginagawa niyo diyan."
Tanong ko at muntik ng mabitawan ni Jerome ang phone na hawak niya dahil sa pagkabigla."Hi Yanna. Ano ka ba, wala toh."
Kinakabahang sabi niya at bago pa niya tuluyang maitago ang cellphone ay agad ko itong hinablot mula sa kamay niya.
"Pahiram din ako ah."
Pagpapaalam na sabi ko at agad ko itong inilagay sa likod ko ng akmang kukunin niya."Kay Keith yang cellphone."
Oa, naman nito parang hihiramin lang eh.Di ko na pinakinggan ang protesta nila at agad na umupo sa upuan ko.
Kesyo bawal daw, magagalit daw si Keith, blah, blah, blah...
"Ano bang meron dito?"
Bulong ko saka binuksan ang cellphone ni Keith, buti nalang at wala itong password.Teka, may video? Tungkol saan kaya toh?
Play
=>Click<="Get up."
Malamig na utos ni Dylan sa akin pero nanatili pa rin akong nakaupo sa gilid ng kalsada."Ayaw...hiikkk...ko."
Parang batang sambit ko habang umiiling."Goddammit! I said get up!"
Naiinis at tila nauubusan ng pasensyang sabi niya. Pero nanatili pa rin akong nakaupo."Hiikkk...sabi ng ayoko...hiiikkk...nga eh!"
Pagmamatigas na pagtutol ko.
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
RandomAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...