Plastikan

120 8 0
                                    

Chapter 20:
Yanna's POV

Mabilis na lumipas ang oras. Para sa akin lang yun kasi naman eh ang layo ni Dylan.

Tssk, kahit na kadaldalan ko si Bessy iba pa rin talaga 'pag si Dylan 'yun.

"Hay naku. Ang gwapo talaga ni babe!"
Mabilis kong nilingon ang ex ni Dylan ng marinig iyon.

Nakangisi siya saka tumingin sa akin.

"Alam kong maganda ako kaya hindi mo na ako kailangang titigan pa."
Muntik nang lumuwa ang mata ko ng dahil sa kayabangan niya.

Ah maganda pala siya. Tignan natin kung kaya ng sinasabi mong ganda ang bara ko sayo.

*Evil smirk*

"Wow. Your funny new classmate. Nice joke."
Tumatawang saad ko na sinamahan ko pa nang paghampas sa braso niya.

Siyempre hindi lang basta-basta ang hampas na 'yun. Sinamahan ko pa power para damang-dama niya yung panggagalaiti ko kanina pa.

"Paano ba 'yan mauna na ako sa cafeteria. Bye bye na new classmates."
Kita ko ang inis na nakapinta sa mukha na lalong nagpalawak sa ngiti ko.

"Nice one, Yanna."
Nag-apir kaming dalawa ni Bessy ng makalabas na ako ng classroom.

Hmm, saan naman kaya nagsuot si Dylan? Kailangan ko pa siyang bantayan-este nakakacurious lang.

[Cafeteria:]

"Bessy, anong impression mo dun sa mga transferee?"
Biglang tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami papasok ng cafeteria.

"Nangangamoy kadiliman."
Napa-huh naman ako ng sabihin niya 'yun.

Nang lingunin ko si Bessy ay nakatutuk ang paningin niya sa gawing kanan ng cafeteria kaya naman tumingin na rin ako doon.

Biglang kumulo ang dugo ko nang makita Alendra na halos kumapit na parang tuko sa braso ni Dylan.

"Ay hindi lang kadiliman pati na rin digmaan."
Nanggigigil na usal ko saka nagmartsa sa kinaroroonan nina Dylan.

Nakatatak sa mukha ni Dylan ang iritasyon. Yung tipong gustong-gusto niyang itulak si Alendra palayo sa kaniya.

"Alam mo babe, ang saya-saya ko kasi sa dami-dami ng school na pwede kong mapasukan eh muli kitang makikita dito."
Rinig kong sambit ni Alendra.

Abosado din 'tong babaeng toh. Magsasabi na nga lang ng kagalakan niya, yumayakap pa sa bisig ni Dylan.

*Fake Cough*

Dahil sa ginawa kong pag-ubo ay napukaw ko ang atensyon nila.

Yung mukha ni Dylan parang nakahinga ng maluwag nang makita ako.

Mabilis akong umubo sa pagitan nila kasabay ng pagpapaalam ko.

"Hi, new classmate. Pwedeng makiupo, gusto kasi kitang mas lalong makilala. Alam mo na para maging friends naman tayo."
Nginitian ko si Alendra na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin.

"Oo naman. What's your name?"
Napalitan naman ng ngiti ang pagtataray niya saka tumingin kay Dylan.

"At isa pa wala naman akong magagawa eh. Sumingit ka na nga sa pagitan namin ni babe."
Dagdag na bulong niya sa akin kaya naman binigyan ko din siya ng plastik na ngiti.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon