Gratis

71 12 3
                                    

Chapter 40:
Yanna's POV...

"Gusto ko sanang manli"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya kaya naman nagtaka ako.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at napansin kong napakagat siya ng labi.

"Gusto mong manli?"
Nagtatakang tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin.

Napansin kong medyo namula ang mukha niya.

Bakit kaya? Ba't parang pinagpapawisan siya? Hindi kaya...

"G-Gusto kong manli- manlibre"
Hay naku! 'Yun lang pala akala ko kung ano na. May pabitin-bitin pa kasing nalalaman.

'Ang assuming mo talaga Yanna, akala mo manliligaw siya noh?'
~innerself

Hmp. Assume pa more...

Di bale, gutom ako at bawal tumanggi sa libre.

"Sige ba! Game ako diyan! Hali ka na!'
Excited na sabi ko saka hinila siya sa braso.

"N-Ngayon na?"
Parang siya pa yung nabigla.

"Oo nga saka malapit naman nang maglunch time."
Sagot ko sa kaniya.

Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lamang.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman binigyan ko siya ng ngiti.

Napatingin ako sa kanan nang makita si Dylan.

Babatiin ko sana siya kaya nga lang ay pumasok na siya kotse niya.

"Yanna?"
Ay oo nga pala. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ni Kyle.

"Saan naman kaya pupunta ang isang yun?"
Bulong ko sa sarili pero mukhang narinig yun ni Kyle.

"Sino?"
Tanong niya habang nakatutuk ang atensyon sa daan.

"Wala. Para kasing may nakita akong classmate natin. Nagtaka lang ako kasi wala pang dismissal."
Pagdadahilan ko saka napatingin sa side mirror.

Hmp, pero si Dylan 'yun kaya siguradong kahit na anong oras na gustuhin niya ay makakaalis siya sa Academy.

Tumigil kami sa tapat ng gate nang Golden Academy.


"Bawal pa yatang lumabas."
Medyo nag-aalalang usal ko habang napapatingin sa mga sasakyan na nasa unahan namin.

Pinapabalik kasi sila ng guard.


"Kung wala tayo nito."
Itinaas niya yung kulay gold na id.

Wow, may pang-VIP ID siya. Sanaol.


"Eh? May problema ba?"
Hindi ko mapigilang itanong nang mapansing nagsalubong ang kilay niya.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon