Chapter 27:
Yanna's POVBiglang nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang deal na pinasok ko kanina.
Waahhh! Ano nang gagawin ko? Yung unang examination namin, nakapasa lang ako dahil sa tulong ni Dylan.
Isinubsub ko nalang ang mukha ko sa lamesa.
Paano kapag hindi ako naka-one mistake? Ayoko! Hindi ko siya kayang iwasan.
Muling nabaling ang atensyon ko sa kamay niya. Naalala ko tuloy yung nangyari sa restaurant. Hmp!
Tssk! Hinawakan ni Alendra yung kamay niya tas hindi man lang siya tumutol. Pero kung ako naman yung hahawak sa kaniya, rinding-rindi siya.
Nakakainis!
"What are you glaring at?!"
Nagulat ako ng bigla niya akong balingan nang iritableng tingin.Damn, hindi ko namalayang nakatingin na pala ako ng masama sa kamay niya na kasalukuyang nasa ibabaw ng mesa kagaya nung nasa restaurant sila.
"Wala. Ano 'to, pati ba pagtingin ko sa kamay mo pagbabawalan mo pa ako."
Napakunot noo siya dahil sa sinabi ko."Oh! Silent treatment ka na naman."
Sabay taas ng kilay na dagdag ko. Ano pa nga bang inaasahan ko sa isang katulad niya."Ako na naman bang mag-i-initiate ng usapan."
Mas lalo akong napasimangot nang humarap na siya sa pisara at tuluyan na nga akong dinedma."Hoy! Magsalita ka din. Magkuwento ka sa akin, kahit na boring pa 'yan."
Kahit pa yung date ninyong dalawa ni Alendra ang ichismis mo pakikinggan ko 'yan."Dylan... Hoy! Isnabero pansinin mo ako."
Kasabay ng pagkalabit ko para makuha ang atensyon niya."Stop annoying me. I won't say anything to you, because you're so talkative!"
Mahinang sabi niya habang hindi pa rin ako tinitignan."Wow, talaga ba Dylan? Tssk, kahit na ikwento mo lang yung nangyari sa date niyo ni Alendra."
Dahil nga sa sobrang inis ay hindi ko na napreno ang magaling kong bunganga."What do you mean by date?"
Wow. Maang-maangan pa more."Date? Alam mo na yung nasa restaurant ang mag-EX tas nakapwesto pa malapit sa may bintana. Yung biglang nag-holding hands pa."
Sinubukan kong hindi ipakita na nagseselos ako.Doon na nga niya ako nilingon at medyo nagulat pa siya ng ilang sandali bago bumalik sa pagiging poker face.
"Are you stalking me?"
Waahhh! Hindi iyon ang gusto kong isagot niya sa akin. Hindi man lang niya tinanggi."So nag-date nga kayo ni Alendra?"
Pagsisiguro ko at hindi sinagot ang akusa niya sa akin."So ini-stalk mo ako?"
Nice answer. Wow, grabe nasagot niya yung tanong ko."Huwag mo nga akong sagutin ng isa pang tanong."
Napipikon na angil ko sa kaniya at hindi naman lumampas sa pagtingin ko ang pag-irap niya sa ere."Huwag mo nga akong irapan. Nag-date nga kayo ni Alendra? Anong naramdaman mo nung hinawakan niya yung kamay mo? Kinilig ka ba?"
Bakas sa mukha niya na malapit na siyang mapuno sa akin. Pero wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
RandomAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...