Parinig

52 8 0
                                    

Chapter 48:
Yanna's POV...

"Kyle, ang aga mo yata ngayon?"
Hindi ko mapigilang ikomento sa kaniya. Napag-usapan kasi naming dalawa na ihahatid-sundo nalang niya ako.

Hindi naman ako tumanggi, ang mahal kaya ng gas ngayon. Para tipid na rin.

"Hahaha, sorry na-excite lang akong sunduin ka."
Wow ha. Ang sipag naman niyang gumising ng maaga.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Hahaha, buti pa siya gentleman kung si Dylan toh----

Hays, I need to stop comparing him whenever I had a chance.

"Thanks."
Maikling sabi ko sabay pasok sa sasakyan niya.

"Gusto mo bang lumipat nang upuan. It looks like you're having a hard time seating near him."
Well, medyo awkward talaga ako. Lalo na pag discussion, para akong nastiff-neck na nakatingin lang sa harapan.

Paano kasi kusang hinahagilap nang mata ko ang kinaroroonan ni Dylan.

"Hindi na kailangan. Ayos lang ako."
Ano yun para maging masaya sila ni Alendra pag lumipat ako ng upuan. Huwag na. Magiging tinik ako sa lalamunan nila.

"Concern lang ako sayo."
Rinig kong pagdadahilan niya. Papasok na kami ng campus.

"Ayos lang kaya ako. Ang saya-saya ko nga kahapon eh."
Nakangiting pag-a-assure ko sa kaniya.

I'm fine. Hindi naman ako mukhang depress or heartbroken kahapon.

"Aren't you forcing yourself too much?"
Hays... masyadong ba akong trying hard kahapon.

Hindi naman siguro masamang mag-trying hard sa pagiging masaya. Until I get used to it and eventually it will turn out naturally.

"Ayos lang ako. Wala na akong pakialam sa kaniya."
Paniniguro ko. More likely to myself.

Bahala na siya sa buhay.

Yung feeling heartbroken ka... Kahit hindi naman kayo... Hahaha, saklap noh?

Nandito na pala kami sa parking lot, ngayon ko lang napansin.

"Wait..."
Nagulat ako nang bigla niya akong pigilan at dali-dali siyang lumabas upang pagbuksan ako ng pinto.

Hays, akala ko kung ano. Ang galante naman niya masyado.

Wala na akong nagawa nang kunin ni Kyle yung bag ko at binitbit.

Shemay... Parang bigla tuloy akong na-awkward.

Napakamot-ulo nalang ako at nag-iwas ng tingin. What's with his smile?

"Alam mo bang masyado kang perfect? Tao ka ba talaga?"
Hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.

Nakakasilaw yung kaningningan ng ngiti niya.

"Hindi kaya ako perfect. May kulang nga eh?"
Nakangiti pa ring usal niya sabay titig sa akin.

"Ba't ganyan ka makatingin?... Oh? Pasok na tayo sa elevator."
Pag-iiba ko nang usapan.

Shems... Tumaas bigla yung balahibo ko sa batok.

"Ayos lang? Nakatulog ka ba nang maaga kagabi? Namumula kasi yung mukha mo."
Inilagay ni Kyle ang palad niya sa noo ko. Iniwas ko naman ang mukha ko para hindi niya makita.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon