Trying Hard

68 11 0
                                    

Chapter 38:
Yanna's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw ng pangungulit ko sa mga matatalino kong kaklase na turuan ako.

Hays, medyo nawala rin yung time ko para bawian si Dylan sa ginawa niyang pagsuntok sa akin.

"Naku, maghintay ka lang Dylan. May araw ka din sa akin."
Gigil na sambit ko habang nakatingin sa papalayo niyang pigura.

"Yanna, hindi ka ba magre-recess?"
Tanong ni Kyle sa akin pero inilingan ko lang siya.

Nakainis ang dami ko pang ire-review. Tas Wednesday na ngayon.

Badtrip kasi yung si Dylan. May padeal-deal pang nalalaman.

Kapag ako talaga nanalo, lagot siya sa akin.

Pero,

Paano 'pag natalo ako? No! Ayoko! Hindi ko siya kayang hindi kulitin.

"Mauna ka na doon. May gagawin pa kasi ako."
Tugon ko kay Kyle.

Hehehe, pupunta ako sa library para mag-review.

May free access naman yung estudyante doon. Lalo na kapag nalalapit na yung exam.

Kaya pwede akong magtambay doon kahit na gaano man katagal.

"Sigurado ka? Basta tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka, okay?"
Ngitian ko nalang siya at hindi na itinama ang sinabi niya.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa yung phone ko.

Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at nagsimula nang maglakad papunta sa library.

[Library]

"Good morning po!"
Masiglang bati ko sa librarian saka tumingin sa buong paligid.

Wow, ang daming estudyante dito. So, hindi lang pala ako ang todo sa pagre-review ngayon.

Naghanap naman ako ng hindi okupadong upuan saka inilagay ang bag ko sa lamesa.

Tumayo din ako at pumunta sa mga bookshelves.

"Hmm... Ano kayang uunahin ko."
Saad ko sa sarili habang nakatingin sa mga libro.

Bahala na. Kunin ko nalang lahat para hindi na ako tatayo mamaya.

"Lalala..."
I hum as I take a regular step towards my seat.

Kasabay ng paglapag ko ng mga libro ay may naglapag din ng mga pagkain sa tapat ko.

Dahan-dahan akong napatingin sa may-ari ng mga pagkaing iyon.

"Why are you here!/Bakit ka nandito?"
Nagpakunot noo naman si Dylan nang sabay kaming magsalita.

"Umalis ka nga sa harap ko."
Nagtaas naman ako nang kilay nang marinig ang demand niya.

Wow! Ako pa talaga ang aalis?

"FYI. Nauna ako dito. Hindi mo ba nakita 'tong bag ko. Kaya ikaw ang umalis."

Nakakabadtrip. Ngayon na nga lang ulit kami mag-uusap, nagagawa niya pang maging demanding.

Fallin' For My Snob SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon