Chapter 30:
Dylan's POV'Joshua is a big pervert.'
Damn that woman. I can't stand her idiocracy!
Tssk! Ano namang pakialam ko kung may mangyaring masama sa kaniya.
Shit! Hindi naman siguro siya ganun kahina para di maprotektahan ang sarili niya.
I remember she's really troublesome that sometimes it makes her unbearable.
[Elementary days: Grade 4]
"Dylan! Sandali lang!"
Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy lang ang paglalakad."Sabi nang sandali lang eh! Natatae ka ba ha? Nasira ba yung tiyan mo kaya masyado kang nagmamadali! Meron akong diatabs dito!"
Nagsalubong na nga ang kilay ko nang isigaw niya iyon mula sa malayo at tila nag-echo pa sa buong hallway.Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Binigyan ko siya nang masamang tingin pero dahil manhid siya at hindi makaintindi ay sinuklian niya ako ng ngiti habang patakbo sa kinaroroonan ko.
Palihim namang tumawa ang ibang mga istudyante na nakarinig ng sinabi nang madaldal na babaeng iyon.
"What's so funny?!"
Matalim na sambit ko kaya mabilis silang nag-iwas ng tingin habang ipinagpatuloy naman ng iba ang paglalakad."You're really shameless."
Hindi ko mapigilang ikomento nang makarating na siya sa tabi ko."Ito oh. Libre ko na sayo."
Napabuga ako ng hangin nang ibinuka niya ang palad na may nakalagay na diatabs at tila ba inaabot sa akin."Moron, I don't have diarrhea. Give me some peace and leave me alone!"
Hindi ko mapigilang taasan siya ng boses.She's really irritating. Dinadaldal na nga niya ako sa classroom pati ba naman dito ayaw niya akong tantanan.
"Ahy, sungit mo naman! Gusto ko lang makipagkaibigan. Bakit ba kasi ayaw mong makipag-friends sa akin?"
Napairap nalang ako sa tanong niya.Wow! So persistent! Last year niya pa ako inaalok nun pero hindi niya talaga maintindihan ang sagot na 'No', 'Shut up!' at 'Leave me alone'.
She's so frustrating.
"I won't change my decision. I don't want to befriend you."
Madiing usal ko pero hindi pa rin nawala ang ngiti niya."Why don't you try to ask yourself why?"
Dagdag ko pa. I took a deep breath to calm my nerves."Eh, hindi naman ako makikipagkaibigan sa sarili ko kundi sayo. Shunga mo din noh?"
Napasabunot nalang ako sa inis dahil sa tugon niyang iyon."You're really annoying! You know what? You're idiot! Don't follow me around."
Bakas na sa tono ko ang pagkainis na siyang nagpalawak pa ng ngiti niya."Whatever. Tara, sabay tayong kumain."
Offer niya sa akin saka ipinakita ang hawak niyang lunch box.
BINABASA MO ANG
Fallin' For My Snob Seatmate
RandomAng tahimik na mundo ni Siege Dylan Lee ay bigla nalang magugulo ng isang napakadaldal at napakamanhid na babaeng si Misty Yanna Mishike. Para sa ilang mga estudyanteng nakakakilala kay Siege ay isa siyang tahimik, suplado, hindi ngumingiti, laging...